Aktres Na Si Sue Ramirez May Naging Pagbubunyag Sa Love Scene Na Ginawa Nila Ng Aktor Na Si RK Bagatsing

Sa kanyang “Friendly wholesome image” nakilala ng publiko ang aktres na si Sue Ramirez, ngunit ngayon, kapansin-pansin na tila sinisumulan na ng aktres, na baguhin ang imahe niyang ito, sa pamamagitan ng pagtanggap ng mas “matured” at “bolder” na mga role sa ga pelikulang kanyang ginagawa.




Noon ngang ika-13 ng Setyembre 2019, ay ipinalabas ang pelikula na ginawa ni Sue, na pinamagatang “Cuddle Weather” kung saan ay katambal niya rito ang aktor na si RK Bagatsing.

Photo Credit: bagatsingrk/Instagram

Ang pelikulang “Cuddle Weather”, ay isa sa mga naging entries noong taong 2019 sa Pista ng Pelikulang Pilipino, kung saan simula noong Sept. 13-19, ay walang foreign screen ang ipinalabas sa lahat ng sinehan sa ating bansa, para maipalabas ang lahat ng PPP 2019 entries.

Photo Credit: bagatsingrk/Instagram

Talaga namang pinag-usapan ng mga netizens ang pelikula na ito ng aktres, dahil sa napaka very intimate story-line ng pelikula, kung saan ay ipinakita nina Sue at RK ang mas kakaibang pag-ganap, malayong malayo sa mga role na ginagawa nila noon.

Photo Credit: sueannadoodles/Instagram

Sa naging grand launch ng pelikulang ito na ginanap sa 38 Valencia Events Place, ay nakapanayam ng media ang aktres, kung saan ay naging game na game ngang sinagot ni Sue ang mga naging katanungan sa kanya kahit pa nga ba ang ilan sa mga katanungang ibinato ay patungkol na sa kanyang personalidad at sensualidad.

Photo Credit: sueannadoodles/Instagram

Isa nga sa mga naging katanungan sa aktres, ay kung 100% na ba niyang nakita ang katawan ng kanyang leadingman na si RK, at ito nga ang naging kasagutan ni Sue.
“Hindi naman 100%, 98%”, ang papangiting sagot ng aktres.

Photo Credit: sueannadoodles/Instagram

Ayon nga kay Sue, pareho sila ni RK na nakita na ang katawan ng isa’t isa na halos walang saplot.

Photo Credit: sueannadoodles/Instagram

Maliban pa nga sa naging pagbubunyag na ito ni Sue, ay ibinahagi niya rin na para sa kanya, ay napakaganda ng love scene na ginawa nil ani RK Bagatsing, at ang intimate scene na ginawa niya kasama ang aktor ang isa sa mga paborito niya.

“It’s full of emotion, emotion na hindi niyo makikita sa the rest of the movie.”
“Basta nag-uumapaw na emosyon yung makikita niyo dun, ang ganda ganda”, saad nga ng aktres.

Dagdag pa nga ng aktres, hindi ito ang kauna-unahang gumawa siya ng intimate scene sa isang proyekto. Nilinaw naman ni Sue na hindi lamang isang bold movie ang pelikula nilang ito ni RK, dahil kung mapapanood umano ang kabuuang istorya ng “Cuddle Weather”, ay talaga namang makakapulot ng inspirasyon rito, ang sinumang manonood.




Dahil naman sa naging pagbubunyag ni Sue sa naging love scene nil ani RK, ay talagang maraming mga netizens ang nagbigay ng reaksyon patungkol dito.
“baliw tlaga to si Sue, hhahahaha” komento ng netizens na si Ronel Casero.

“Sa lahat ng artista na ganyan magsalita si Sue ang favorite ko”, mula naman kay Jose Miguel Gonzales. “I used to find her very preety”, komento ni Nice Attitude.
Maliban dito ay napakarami pa ngang mga positibong komento mula sa mga netizens ang makikita sa comment box.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *