Alahas Na Suot Ni Heart Evangelista Pinag Uusapan Ngayon Dahil Sa Halaga ng P26.6 Milyon

Maliban sa pagiging isang Kapuso actress, ay kilala rin si Heart Evangelista bilang isa sa mga hinahangaan at iniidolo pagdating sa fashion, ika nga Fashion Icon. Tunay namang kasing kahanga-hanga at nakakabilib si Heart pagdating sa kanyang pagdadalaga ng kasuotan.




Marami din ang talagang bumilib sa mga magagandang kasuotan, bags, accessories at sapatos ni Heart. Matatandaan din na minsan ng ipinasilip ng Kapuso actress ang kanyang walk-in closet, kung saan naman makikita ang kanyang napakaraming mga koleksyon ng bags, sapatos, damit, accessories, na hindi lamang magaganda kundi talaga namang napakamamahalin ng mga ito.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Isa pa din sa sinusubaybayan ng maraming mga tagahanga at tagasuporta ni Heart ay ang pagbisita niya sa iba’t ibang panig ng mundo, kung saan marami din sa mga ito ay ang pagdalo niya sa mga fashion shows ng iba-ibang luxury brands.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Sa mga pagkakataon ngana bumisita si Heart sa mga fashion show ng mga luxury brands, ay hindi naman magpapahuli ang aktres sa kanyang mga OOTD ng mismong luxury brand ng fashion show na kanyang dinaluhan. Ang Paris, France ang isa sa mga madalas na bisitahin ni Heart, kung saan hindi lamang pamamasyal at pagsa-shopping ang ginagawa niya, kundi pumupunta din siya sa napakaraming events sa nasabing bansa.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Samantala, isa sa mga pinakahuling dinaluhan ni Heart sa Paris ay ang gala night ng jewelry brand na Chaumet, kung saan ang nasabing event ay bilang selebrasyon sa pag lalabas nila ng kanilang pinakabagong koleksyon na Ondes Et Merveilles De Chaumet. Ang selebrasyon ngang ito ay dinaluhan ng mga sikat at kilalang personalidad sa iba’t ibang panig ng mundo.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Ang Korean actress na si Song Hye Kyo na siyang ambassador ng Chaumet ay isa sa mga dumalo sa nasabing selebrasyon. Si Song Hye Kyo ay isa sa mga sikat at kilalang aktres sa South Korea dahil sa napakarami niyang mga pelikula, kaya naman maging ang aktres na si Heart Evangelista ay nagpakuha din ng larawan kasama ang South Korean actress.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Mula naman sa larawan na ito ng dalawa na kumalat sa social media, ay napansin nga ng mga netizens ang hindi lamang napakaganda at elegante ng kasuotan ni Heart, kundi maging ang alahas ng Chaumet na kanyang suot na kumpleto sa kanyang OOTD.

Ang alahas nga umano na ito na mula sa Chaumet ay tinawag na Josephine Aigrette Imperiale. Ayon sa ulat, ang alahas na ito ay gawa sa white gold at dalawampu’t -isang .05 carat na dyamante at ang pendant ng anito ay gawa sa batong Topaz.




Dahil sa puno ang naturang alahas ay punong puno ng mga mamahaling brilyante ay umaabot sa $484,000 ang halaga nito na ang katumbas ay Php26,624,598. Tunay namang nakakalula ang halaga ng alahas na ito na suot ni Heart, kaya naman di maiwasan na mapa-wow ng maraming mga netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *