Alamin Ang Diskarte Kung Paano Mag-Ipon At Mag-Budget Sina Richard Poon At Maricar Reyes

Isa sa mga pinakamahirap na gawin sa buhay ay ang mag-ipon. Ugali kasi nating mga Pilipino ang gumasta ng pagkalalaki tuwing nakakakuha tayo ng malaking halaga. Kakaunti lamang sa atin ang marunong mag-ipon o magtabi ng ating mga buwanang kita. Isa ito sa mga dahilan kung bakit marami sa ating mga kababayan ang hindi pa rin umusbong pamumuhay ngayon. Marami ng organisasyon ngayon ang nagsusulong ng “financial literacy” para sa mga Pilipinong hindi pa masyadong marunong pagdating sa paghawak ng pera. Malaking tulong rin internet sa ngayong panahon dahil hindi na kailangan ng mga taong dumalo sa mga pagpupulong tungkol sa paghawak ng pera.

Photo Credit: maricareyespoon/Instagram




Sa mga “vlog” ng mga kilalang vloggers sa YouTube, tinatalakay nila ang mga bagay katulad ng tamang paghawak ng pera at pag-iipon. Naging daan na rin kasi ng ibang mga artista ang YouTube upang magbahagi ng kanilang mga karanasan sa kanilang mga pang araw-araw na gawain.

Photo Credit: maricareyespoon/Instagram

Katulad na lamang ng video na ibinahagi ng mag-asawang sina Maricar Reyes at Richard Poon na piniling ibahagi sa madla ang kanilang paraan ng pag-iipon. Para magkaroon ng maayos na pag budget sa kanilang bahay, gumagamit raw ang mag-asawa ng “sobre.”
Ito rin ang kanilang napiling i-advice sa babaeng humingi ng tulong sa kanila kung paano raw makakapag-ipon at makakapag-budget ng maayos. Ayon sa mag-asawa, mainam raw na lagyan ng maayos na pangalan ang kanilang mga sobre.

Photo Credit: maricareyespoon/Instagram

Maglagay raw ng labels sa mga sobre depende kung para saan pinag gagamitan ito at doon ilagay ang mga pera ng pag gagamitan nito katulad ng pagkain, bayarin sa kuryente at tubig, bayad sa renta, baon ng mga anak, ipon, at iba pa. Ayon kay Richard Poon, mula daw kay Chinkee Tan, kaniyang kaibigan na isang financial adviser, ang payo tungkol sa “envelope system.” Malaki raw ang naitulong nito sa kaniya noong siya raw ay nalubog sa utang. Pinaalalahanan rin ng mag-asawa ang kanilang mga tagasunod na huwag raw matuksong kunin ang laman ng ibang sobre para lamang sa luho.

Photo Credit: maricareyespoon/Instagram




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *