Alamin Ang Istorya Ng Pinakabatang Ina Sa Kasaysayan Na Nabuntis Sa Edad Na Limang Taong Gulang

Alam nating lahat na hindi biro ang panganganak. Ang pagbubuntis lalo na sa murang edad ay maaaring magdulot ng mga problema sa kalusugan ng ina at ng sanggol. Ang mga batang nasa edad 15 pababa ay mas mataas ang tiyan ang magkaroon ng anemia, o mababang blood iron at iba pang mga sakit na may kaugnayan sa dugo. Katulad na lamang ni Lina Medina mula sa Ticrapo, Peru na naging pinakabatang ina matapos manganak sa edad na 5 taong gulang.

Image Credit: Pixelated Planet/Facebook




Noong una’y akala ng kanyang pamilya na may sakit lamang sa tiyan si Lina na naging dahilan ng paglaki ng kanyang tiyan. Ngunit pagkatapos ang masusing mga pag-aaral sa kondisyon ng bata na isinagawa ni Dr Gerardo Lozada, napag alamang buntis si Lina ng walong buwan na nagulat naman ng lahat.

Nang dahil sa kanyang kondisyon na “precocious puberty” maagang na-develop ang kanyang mammary gland at mga reproductive organs. Sa usapang medisina, ang “precocious puberty” ay ang pagdadalaga sa murang edad. Normal namang dumaan sa pagdadalaga ang bawat kababaihan ngunit hindi normal na maranasan nila ito sa murang edad.

Image Credit: Pixelated Planet/Facebook

Sinabi ni rin ng kanyang mga magulang na sa edad na tatlong taong gulang ay mayroon na raw siyang buwanang dalaw. Matapos ng masusing pagsusuri kay Lina, sobrang gulat ng mga doktor nang malaman nilang nireregla na si Lina ng 8 buwang gulang pa lang siya.




Sumailalim si Lina sa tinatawag na “cesarean section” para lang mailuwal niya ang sanggol sa kanyang sinapupunan sa edad na 5 at kalahating taong gulang. Pinangalanan ni Lina ang kanyang anak na Gerardo, pangalan niya sa doktor na nagpaanak sa kanya. 6 pounds naman ang bigat ng sanggol matapos itong mailuwal. Lumaki ang bata na nakilala si Lina bilang isang nakatatandang kapatid. Nang sumapit sa edad na 10, inamin na ni Lina kay Gerardo ang kanilang tunay na relasyon Naging masaya ang kanyang buhay hanggang pumanaw ito sa edad na 40.

Image Credit: Pixelated Planet/Facebook 

Naaresto ang ama ni Lina ng mga pulis dahil sa hinalang nagkasala ito sa batas at pangmomolestya ng bata ngunit dahil walang mailabas na konkretong ebidensya laban sa kanya, pinalaya rin siya sa bandang huli.

Image Credit: Pixelated Planet/Facebook

Maraming hindi naniwala sa kwento ni Lina kung kaya’t naglabas ng mga litrato ng kanyang x-ray, at mga litrato niya noong buntis pa lamang siya ang mga doktor na humawak sa kaso ni Lina Nagtrabaho si Lina bilang sekretarya ng Lima clinic of Lozada na naging daan upang siya ay makapag-aral pati na rin ang kanyang anak sa sekondarya.

Kinasal si Lina kay Raul Jurado noong 1972 at nagkaroon ng pangalawang anak dito. Hanggang nitong 2002, nakatira sila sa isang lugar sa Lima na tinatawag na “Chicago Chico.” Tinanggihan niya ang Reuters sa mga panayam katulad ng kanyang pagtanggi sa iba pang nagtangkang makapanayam siya sa mga nagdaang taon.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *