Alamin Ang Masasaya At Malulungkot Na Pangyayari Sa Buhay Ng Dating Aktres Na Si Kim DeLos Santos

Hindi nga naman basta-basta nalilimot ng mga tao ang isang artista kahit pa ito ay lumisan na sa mundo ng showbiz industry dahil ang kanilang mga ginawang pelikula sa telebisyon lalo na kung ikaw ay isang magaling na aktres ay talagang nag-iiwan ng tatak sa mga manonood.




Katulad na lamang ng aktor at aktres na nasa panahon ng 90’s showbiz industry na talagang ang mga manonood ay ang telebisyon lamang ang isa sa pangunahing libangan kaya’t ang mga pelikula at artista noon ay talagang nakatatak na sa isipan ng mga tao lumipas man ang ilang taon.

Image Credit via Google

Isa sa mga hindi malilimutang youth-oriented drama series noong dekada 90 ay ang T.G.I.S na talagang isa sa mga inaabangan ng mga manood. Ang mga bida sa seryeng ito ay mga teen actress/actors din na kilala at sikat noong panahong iyon.

Image Credit via Google

Si Kim Delos Santos at ang kanyang katambal na si Dino Guevarra ang isa sa pinakasikat na teen actress at loveteam noon na kasama sa mga bida sa T.G.I.S. Maliban pa nga sa seryeng ito na kung saan ay gumanap siya bilang si Tere Gonzaga, ay marami pang pelikula sa telebisyon ang bumida ang aktres katulad na lamang ng “Ikaw Lamang” at ang isa pa sa mga sikat na palabas noon na “Anna Karenina ”.

Image Credit via Google

Hindi nga naman sa telebisyon lamang nagkatambal ang loveteam na Kim at Dino, dahil ang dalawa ay naging real-life couple rin na nauwi sa kasalan.Ngunit hindi nga naman lahat ng nagpapakasal na artista ay nauuwi sa habang-buhay na pagsasama. Hindi nga nagtagal ang pagsasama nina Kim at Dino at nauwi ito sa hiwalayan (annulment), na kung saan ang hiwalayang ito ang isa sa pinaka naging usap-usapan noon ng isapubliko ng dating aktres ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ng asawa.

Image Credit via Google

Ayon kay Kim ay may mga dahilan kung bakit hindi nagtagal ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ni Dino at ito ay dahil sinasaktan umano siya nito at babaero ito. Sa pangyayaring ito ay iba’t-ibang mga akusayos din ang ibinato kay Kim ng kanyang dating asawa isa na dito ang pagbintangan siya umano ay may iba ring kinakasama ng lalaki.

Dahil sa pangyayaring ito, taong 2005 ng nagdesisyon si Kim Delos Santos na lumipad patungong Amerika at iwanan na ang magulong mundo ng showbiz industry, at ang isa sa tumulong s kanya at nagsponsor pa ng kanyang ticket noon ay si Boy Abunda.

Sa New Jersey, U.S.A itinuloy ni Kim ang kanyang buhay bilang simpleng tao at doon ay nakapagtrabaho siya bilang isang dialysis nurse. Dito rin sa bansang ito natagpuan niya si Ben-g Manaois, ang kanyang bagong pag-ibig kung saan nagbigay ng panibagong kasiyahan sa kanyang buhay.

Engage na rin si Kim sa kanyang bagong pag-ibig noon pang taong 2013, ngunit hindi pa matukoy kung ang dalawa ay nagpakasal na.Ng tanungin naman si Kim Delos Santos kung may plano pa siyang muling bumalik sa industriyang kanyang kinabibilangan noon ay ito ang kanyang sinabi “if [its] God’s will na bumalik ako, why not? Nakakamiss din.”




Hindi nga naman sa lahat ng pagkakataon ay masaya ang buhay ng isang artista, minsan ang buhay na nagpapasaya sayo ay matatagpuan mo sa labas ng industriya at ito nga ang nangyari sa buhay ng aktres na si Kim Delos Santos.

Leave a Reply

Your email address will not be published.