Alamin Ang Mga Katangian Ng Lalaki Na Hinahanap Ni Ellen Adarna Para Sa Kanyang Magiging Mr. Right

Sa Instagram stories ng aktres na si Ellen Adarna nito lamang nakaraan ay makikita ang pagkakaroon niya ng “Ask me a question” para sa kanyang mga follower, kung saan ay handa niyang sagutin ang bawat magiging katanungan ng mga ito sa kanya.




Dahil dito, ay isang netizen ang nagtanong sa aktres, kung ito ba ay single ngayon o in-a relationship na.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

Hindi diretsahang sinagot ni Ellen, ang katanungan na ito ng netizen. Pero ayon nga sa aktres, at dating karelasyon ng aktor na si John Lloyd Cruz, ay mayroon siyang mga katangian na hinahanap sa kanyang magiging Mr. Right o The One.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

Saad pa nga ni Ellen, anim na katangian ang hinahanap niya sa isang lalaki. At kung makikita niya ang anim na katangian na ito, ay maari na itong pumasa bilang kanyang nobyo o dyowa.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

Samantala, narito pa nga ang ilan pang mga katanungan na ibinato ng mga netizens kay Ellen Adarna. “When do you think a person is ready for marriage?, tanong nga ng isang netizen sa aktres.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

Sa katanungan ngang ito, ay sinabi ni Ellen, na napakarami ng nagtanong sa kanya patungkol sa kasal, at dahil wala pa siyang karanasan sa pagpapakasal ay nakiusap ang aktres, na huwag siyang tanungin ng tungkol sa mga ganitong bagay.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

“What can you say about the couple living together without marriage?”, ang isa pa nga sa mga ibinatong katanungan kay Ellen ng isa pang netizen.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

“Ako, ‘Day, pro ako ‘Day, which is me and my siblings, when we reached 18, our parents encouraged us to live with our partners so hindi kami mag-aasawa ng gano-ganon para malaman namin kung ano ang gusto naming o hindi”, sagot nga ni Ellen.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

“Yun yung kinatatakutan ng papa namin baka basta-basta na lamang kami mag-aasawa, kaya pinatikim, niya, pinaintindi niya sa amin, kung ano ba itong ganitong idea on what it’s like to live with someone, so ako I’m pro in live-in”, dagdag na sagot pa nga ng aktres.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

Ayon sa kasagutan ng aktres, pabor na pabor siya set na live-in muna, dahil mas maigi umano na makilala muna ng husto ang ugali at personalidad ng isang tao habang kayo ay nagsasama, bago pa man kayo pumasok sa papapakasal.

Dagdag pa ng aktres, ang kanyang mga magulang ang nag-encourage sa kanila ng ganitong set-up, na live-in muna sa partner upang magkakakilala ng husto.

Saad pa ni Ellen, ibang iba na ang buhay kapag kasal na, kaya dapat kapag ito’y pinasok ay siguradong sigurado ka na, at kilang kilala mo na ang taong iyong mapapangasawa, kasi mahirap na umayaw kapag kasal na.

“Dahil mahirap kasi kung mag-aasawa ka, magkakamali ka sa pag-aasawa, hindi kasi madaling magback-out , hindi ganu’n kadali yun. So, for me, at some point na alam mo yung pinapasukan mong mundo”, ang patuloy na paliwanag nga ni Ellen.




Marami sa atin ang nakaka-alam na nagkaroon na ng live-in partner noon ang aktres na si ellen Adarna, at ito nga ay ang aktor na si John Lloyd Cruz, na siya ring ama ng anak ni Ellen na si Elias Modesto.

Ibinahagi rin ni Ellen, na dahil sa napakarami na niyang failed relationship, ay marami na rin siyang natutunan sa kanyang buhay, kaya naman ngayon ay mas magiging wais na umano siya sa pagpili ng kanyang makakarelasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *