Kilalanin Ang Aktor Na Napapabalitang Bagong Nobyo Umano Ni Angelica Panganiban

Napakaraming misteryo ang bumabalot ngayon sa showbiz. Hindi natin alam kung ang mga nakikita natin sa telebisyon ay totoo nga ba sa likod ng kamera. Kahit sa mga social media accounts ng ating mga iniidolong artista, marami ang mga taong nalilito dahil sa mga “cryptic message” ng kanilang mga post. At bilang artista, hindi maiiwasan ng mga tao na gumawa ng intriga at bigyan ng ibang kahulugan ang mga ito.

Photo Credit: Kapamilya Online World/Instagram




Katulad na lamang pag gimbal ni Angelica Panganiban at Cholo Barretto sa social media dahil sa kanilang mga Stories sa kanilang Instagram account. Nito lamang ay nagulat ang mga netizens nang makita nila ang IG Story ni Angelica Panganiban.
“Baby Pudding Now, it’s out @pochollobarretto.” Naka-tag sa kaniyang story ang artistang si Cholo Barretto. Maliban pa diyan, nagkaroon rin ng iba pang IG Stories si Angelica na naka-tag rin ang nasabing artista.

Photo Credit: Kapamilya Online World/Facebook

Marami ang naintriga lalo na’t kilala si Angelica Panganiban bilang isa sa mga komedyanteng hugotera sa showbiz. Malalim rin ang mga pinaghuhugutan ng kanyang mga banat lalo na at pagdating sa pag-ibig. Ngunit, mas lalong naging mas maingay ang intriga nang magbahagi rin si Angel Locsin ng kanyang video sa Instagram at may caption na, “Congratulations Cholo, congratulations. I’m so happy for you, I’m so happy for you.”

Photo Credit: Kapamilya Online World/Instagram

Bagama’t ganito ang mga nakikita ng mga fans, agad namang itinanggi ni Angelica ang mga ibinabato sa kanyang intriga. Sinabi niyang hindi naman raw siya naghahanap ng kasintahan ngayon at baka raw sipain niya pa palayo kung may dumating man. Sinabi rin ni Angelica na masaya na siya sa kung ano ang estado niya ngayon at hindi niya puwedeng hayaang masira ito dahil pinaghirapan niya ang kasiyahang kanyang nararanasan ngayon.
Matatandang ang pinakahuling boyfriend ni Angelica Panganiban ay ang kaniyang kauna-unahang boyfriend rin noon na si Carlo Aquino ngunit nauwi rin sa isang malungkot na hiwalayan.

Photo Credit: @thereangellocsin/Instagrams




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *