Alamin Ang Napaka Bonggang Surpresa Na Ibinigay Ni Ivana Alawi Sa Kanya Kuya Na Si Hash

Si Ivana Alawi ay isa sa mga kahanga-hangang babae ngayon sa mundo ng showbiz at online world, ito ay hindi lang dahil sa kanyang pagiging isang maganda at seksi, kundi dahil na rin sa pagiging mapagmahal niya sa kanyang pamilya, at matulungin pagdating sa kanyang kapwa.



Kilala rin natin si Ivana, bilang isang nagsisimula ng aktres sa industriya ng showbiz. Pagdating naman sa kanyang mga Youtube vlog, ay madalas nating mapapanood ang mga prank na ginagawa niya sa kanyang mga kapamilya.
Image Credit via YouTube
Batid naman natin, na kahit madalas gumawa ng prank si Ivana, sa kanyang pamilya, ay labis labis naman ang pagmamahal niya sa mga ito.
Image Credit via YouTube
Matatandaan sa isang panayam noon kay Ivana, ay binanggit niya na lahat ng kanyang ginagawa at naging pagsisikap sa buhay bilang isang aktres at vlogger, ay para sa kanyang pamilya, dahil ang mga ito ang inspirasyon niya sa kanyang buhay.
Image Credit via YouTube
At ngayon nga na isa na si Ivana Alawi, sa maituturing nating matagumpay na Youtube vlogger, ay unti-unti na nga niyang tinutupad ang mga pangarap niya para sa kanyang minamahal na pamilya.
Image Credit via YouTube
Sa latest vlog ni Ivana nitong nakaraan lamang, ay isang sorpresa para sa kanyang Kuya na si Hash ang ibinahagi nito sa kanyang mga subscribers at tagahanga.
Image Credit via YouTube
Ayon kay Ivana, dahil sa walang anumang materyal na bagay ang hiningi o ipinabili ang kuya Hush niya sa kanya, ay isang sorpresa para rito ang ipagkakaloob nila dito na batid nilang mas mapakikinabangan nito.
“Si brother, ayaw niya ng mga Rolex, ayaw niya ng mga bag…. Kasi simpleng tao lang siya… Hindi naman daw niya sinusuot”, saad ng aktres patungkol sa kanyang kapatid na lalaki.
Isang lupa, na ang titulo ay nakapangalan na sa kanyang kuya na si Hush, ang magiging sorpresa ni Ivana.
“…..para at least, ginagamit niya. Pwede niya patayuan ng bahay para sa magiging asawa niya., sa mga anak niya. For his future,” dagdag pa ni Ivana.
Makikita sa video na niyaya na ni Ivana ang kanyang kapatid na si Hash, na ipagdrive siya papunta sa lupa kung saan umano nila ipapagawa ang bahay na para sa kanilang pamilya. Ayon kay Ivana, pinalabas nila na ang lupa na iyon ay para sa kanilang pamiliya, upang hindi ito magkaroon ng anumang “clue’, sa sorpresa nila para rito.
Pagdating sa nasabing lupain na patitirikan ng pamilya nila ng bahay, ay inutusan ni Ivana si Hash, na kunin ang mga papeles nito ay tingnan ung tama baa ng mga detalye nakalagay rito. Laking pagkamangha naman ni Hash, ng makita na ang kanyang pangalan ang nakalagay sa titulo ng nasabing lupa.
“Why does it have my name? No way. Are you pranking me?”, ang nasambit nga ni Hash, sap ag-aakalang isa lamang itong prank sa kanya ni Ivana.
“No, tunay”, ang naging kasagutan naman ng aktres.



“You said you don’t want stuff, so we decided to get you a land”, dagdag pa nga ni Ivana.
Nang sabihin na nga ni Ivana sa kanyang Kuya Hash, na ang lupain na iyon ay regalo niya para rito, ay halos hindi ito makapaniwala. Nasabi nga ni Hash, na sobra sobra ang bigay na ito ni Ivana, para sa kanya.
“It’s too much Mariam (real name ni Ivana). I can’t believe it.”
Ibinahagi naman ni Ivana, na ang sorpresa niyang lupain para sa kanyang kuya na si Hash, ay bunga ng kanyang pagiging isang vlogger at ilang taon din niyang pinag-ipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *