Alamin Ang Sikreto Ng Dalawang Dekadang Matatag Na Pagsasama Ng Mag Asawang Glydel Mercado At Tonton Gutierrez

Sa buhay at pagsasama ng mag-asawa, ay parte na nito ang pagkakaroon ng away, tampuhan o di kaya naman ay problema. Kung saan minsan nga ang mga ito, ang nagiging dahilan ng ilang mga mag-asawa, na mauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.




Ngunit sa kabila nito, ay napakarami pa rin namang mag-asawa, na kahit dumaan na ang relasyon sa maraming pagsubok at problema, ay nanatili pa rin namang matatag ang pagsasama. At isa na nga sa mga ito, ay ang hinahangaang celebrity couple sa industriya ng showbusiness na sina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado.

Image Credit via Google

Kabilang nga ang mag-asawang ito, sa mga celebrity couple na talaga namang kinabibiliban ang pagsasama, dahil sa kanilang matagtag na relasyon, na pinagtibay nga ng mahigit dalawang dekada na nilang pagmamahalan.

Image Credit via Google

Marahil marami sa atin ang nagnanais na malaman kung ano ang sikreto nina Tonton at Glydel sa pagiging matatag at matibay ng relasyon nilang mag-asawa, kung saan kahit na nga sila ay parehong nasa showbiz, ay napanatili nilang maayos ang kanilang pagsasamang dalawa.

Image Credit via Google

Kamakailan nga lamang sa programang ‘Celebrity Bluff’ ay nakapanayam ng TV host-comedienne na si Eugene Dominggo, ang mag-asawang Glydel ay Tonton. At dito nga ay ibinahagi ng celebrity couple kung ano ang sikreto ng kanilang matatag at masayang relasyong mag-asawa.

Image Credit via Google

Sa naging pahayag nga ng mag-asawa, ay sinabi nila na napakasimple lamang naman ng mga bagay na kanilang ginagawa upang maging maayos, matatag at masaya ang kanilang pagsasama. Ito nga umano ay ang pagkakaroon ng simpleng buhay, simpleng mga gusto at pangangailangan.

Image Credit via Google

Pagbabahagi pa nina Glydel at Tonton, kung nagkakaroon man silang mag-asawa ng ‘misunderstanding’ ay agad nga nila itong pinag-uusapan, upang hindi na lumaki pa. Isine-set aside rin umano nilang mag-asawa ang showbiz side sa kanilang relasyon.
“We just went on with the marriage, we just went on the life. Wala kaming iniisip na baka ganito, ganyan. We just keep our lives simple”, pahayag ng mag-asawa.

Ibinahagi rin nina Glydel at Tonton, na noon ngang magkasintahan pa lamang sila ay nagkahiwalay na rin silang dalawa, dahil sa isang malaking pagtatalo. Ngunit ito nga ay kanila ring naayos dalawa, kung saan nga ay nagkabalikan sila at nabigyang pagkakaton muli ang kanilang pagmamahalan. At mula nga umano noon, ay hindi na sila nag-aaway pang dalawa, hanggang sa sila nga ay maging mag-asawa na at magkaroon na ng pamilya.

Samantala, para sa mga hindi nakakaalam, ang mag-asawang Glydel Mercado at Tonton Gutierrez ay 17-taon ng kasal sa isa’t isa, ngunit ang kanilang pagiging magkakilala at panahon na sila ay magkasintahan pa lamang ay halos 22-taon na. Ayon sa mga naging ulat, anim na taon munang naging magkasintahan ang dalawa, bago nga humantong sa kasalan ang kanilang relasyon.




Ikinasal sina Tonton at Glydel sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, matapos nga ang anim na taon nilang pagiging mag boyfriend-girlfriend. Ang mag-asawa ay nabiyayaan na ng dalawang anak na panay babae, at ito nga ay sina Aneeza at Aneeka, kung saan ayon sa kana Tonton at Glydel, bilang mga magulang ay ‘open’ sila pagdating sa kanilang mga anak. Isa umano sa madalas gawing bonding nila, kasama ang dalawang anak ay ang paglalaro ng golf.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *