Alamin Ang Sikreto Ni Kim Domingo Sa Kanyang Naging Weight Loss Journey

Marami ang nakapansin ng pagbabago ngayon sa aktres na si Kim Domingo, at ito nga ay ang kanyang mas sexy figure na ngayon. At dahil nga sa mas magandang pangangatawan ngayon ng aktres, ay maraming mga kababaihan ng nagnanis na malaman kung ano nga ba ang naging sikreto ni Kim para ma-achieve ang kanyang sexy figure.




Ayon kay Kim, nagsimula siyang mag-diet nito lamang buwan ng Mayo, at ito ay bilang paghahanda sa Start-Up Ph. Mapapanood siya sa nasabing programa bilang ang karakter ni Stephanie Rios, isang matali, mayaman at isang sosyal na lawyer at designer.

Photo Credit: kimdomingo_/Instagram

“Napansin ko nag-gain ako nang sobra and para mas fit din sa akin ‘yung role na Stephanie sa Start-Up Ph. Nag-start ako mag-diet this May. I’m happy na 2 weeks pa lamang nakita ko na ang result”, pagbabahagi ng Kapuso actress.

Photo Credit: kimdomingo_/Instagram

Kuwento pa ni Kim, bilang parte ng kanyang pagda-diet, ay hindi na nga siya kumakain ngayon ng rice, at ang ginagawa niya nga umanong pinaka-kanin ngayon ay cauli flower rice. Dagdag pa niya, umiiwas din siya ngayon sa mga pagkakaing matatamis at kinahiligan na rin niya ang pag-inom ng green tea after meal.

Photo Credit: kimdomingo_/Instagram

“No rice diet. Instead of rice, cauli flowere rice kinakain ko, then iwas talaga sa sweets, green tea every after meal”, saad niya.
Pagbabahagi pa ni Kim, sa diet niyang ito ay bumaba ng halos limang kilo ang binaba ng kanyang timbang, kung saan magmula sa 63kg ngayon nga ay 58kg na lamang ang kanyang timbang. Ibinahagi din niya, na ngayon nga ay food diet pa lang ang kanyang ginagawa at hindi pa siya nagwo-workout, ngunit ito ay nasa plano na niya.

Photo Credit: kimdomingo_/Instagram

Samantala, ayon sa Kapuso actress hindi ganun kadali ang pagda-diet para sa kanya, at mayroon nga siyang mga hinarap na challenges sa weight loss journey niya na ito.
“Magana talaga ako kumain. Kapag wala ako paghahandaan, funny pero wala talaga akong disiplina sa food. But kung need ko talaga mag-diet, nandoon ‘yung disiplina ko. So, mahirap for me dahil mag-a-adjust ka talaga”, saad ni Kim.

Photo Credit: kimdomingo_/Instagram

Dahil sa mas magandang figure ng kanyang pangangatawan ngayon, ay talaga namang masaya si Kim, lalo na’t marami din ang talagang nakapansin sa magandang resulta ng ginawa niyang pagdi-dyeta.




Ayon naman kay Kim, masaya at kontento na siya sa pangangatawan niya ngayon, at plano nga niya na i-maintain na lamang ito. “I think okay na ako sa ganitong weight, i-maintain ko na lang. I don’t like din an super payat ako”, paglalahad nga ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published.