Nito lamang nakaraang ika-25 ng Enero taon ng kasalukuyan ng ganapin ang board exams para sa mga nagtapos ng kursong arkitekto, kung saan sa 1,120 na pumasa sa Architecture Licensure Examination ay ang isang dalagang mula sa Alegria, Cebu ang nanguna at naging top sa nasabing eksam.
Kinilala ang naturang dalaga na si Justine Lei Ramos, isang 23-taong gulang na dalaga, na nagtapos ng kanyang kurso sa kolehiyo sa Cebu Institute of Technology-University (CIT-U).
Ayon sa dalagang si Justine Lei, hindi niya inakala na magiging ‘top’ o siya ang mangunguna sa lahat ng kumuha ng naturang eksam.

Dahil ang tanging panalangin lang umano niya ang ang makapasa siya upang magkaroon siya ng lisensya na madisenyuhan at maipatayo sa kanyanga ‘hometown’ ang pinapangarap niyang tahanan, hindi lang para sa kanya kundi para sa kanyang buong pamilya.

Dagdag pa ng dalaga, maging ang kanyang pamilya ay wala ring ‘high expectation’ sa kanya.
Ang ina ni Justine Lei na si Ginang Leia Ramos, ay ang tanging pangarap lamang niya sa kanyang anak ay ang makapasok ito sa top ten ng mga papasa sa board, at laking galak niya nga ng malaman niya na hindi lang pasok sa top ten ang kanyang anak, kundi ito pa ang nanguna sa lahat, na mayroon ngang pinakamataas na nakuhang puntos.

“She always exceeded our expectations”, ani ng ina ni Justin Lei. Samantala ibinahagi naman ni Justine Lei, kung ano ang mga ginawa niyang paghahanda para sa kanyang pagkuha ng Licensure exam. Ayon sa dalaga para makapagpokus siya, ay dini-ectivate niya ang kanyang Facebook account, at imibis na magbabad dito, ay ginawa niyang 24/7 ang pananatili niya sa Cebu City Library para makapag-aral.

Para naman kay Justine, ay inaalay niya ang kanyang naging tagumpay sa kanyang buong pamilya, una na sa kanyang ama na buong tiyagang nagtrabaho sa ibang bansa para mabigyan siya ng ng magandang edukasyon, ganun din sa kanyang ina na palagi lamang nakasuporta at umaalalay sa kanya kapag kailangan niya ito, at sa kapatid niya na laging nagbibigay kasiyahan sa kanya.

“My greatest inspiration was my father who workesd as an OFW (Overseas Filipino Worker) in Saudi Arabia and who was recently retrenched from job. When he lost his job, knew I had to pass that exam”, saad ni Justine Lei.

Ayon kay Justine noong una ay Medical Techonology ang kursong kanyang kinukuha, ngunit napagtanto niya na hindi siya masaya, at ang nais niya nga talaga ay ang kursong mapapalapit siya sa hilig niya na pagdidisenyo. Kaya naman sinunod niya ang kanyang gusto at kumuha nga ng kusrong architecture.
“When I started taking up architecture, I realized this is where I was meant to be”, ani ng dalaga. Dahil nga sa naging pangunguna ni Justine Lei sa Architecture Licensure exam na nagbigay karangalan rin sa kanyang paaaralan, ay biniyayaan siya ng CIT-U ng cash incentives para sa kanyang naging tagumpay. Maliban pa dito, ay inalok din siya ng nasabing Unibersidad na magturo sa kanilang paaralan.
Pagbabahagi naman ni Justine, kinokonsidera niya ang posisyon na ino-offer sa kanya ng kanyang Almuna. Ngunit matapos nga ang kanyang naging bakbakang pag-aaral para sa eksam kung saan siya ay naging top, ay nais muna umano niya ang magpahinga ng ilang buwan sa kanilang hometown bago siya sumalang sa pagtatrabaho.
“Ganahan sa ko morelax gyod then next ana, wala pa kay concrete plans, but I’ll try to see unsay giplan sa Ginoo para nako”, saad ni Justine Lei. Nang tanungin naman si Justine kung ano nga ba ang sikreto sa tagumpay, ay ito lamang ang kanyang sinabi;
“Dream big and not be afraid to take risk.”