Alamin Kung Bakit Kailangan Mong Kumain Ng Tatlong Itlog Kada Araw!

Ang itlog ay ang karaniwang almusal ng mga tao. Ito ay masarap sa kahit anong paraan ng pagluluto maging prito man, nilaga o malasado. Ang itlog ay isang sangkap rin sa mga bake goods na kinakain natin.




Maraming tao ang gusto kumain nito ngunit ang iba naman ay nag-aalinlangan dahil sa pag-aakala na ito ay hindi masustansiyang pagkain. Marami ring nagsasabi na dapat mo iwasan ang pagkain ng itlog dahil ito ay mataas sa calarories at carbohydrates na pangunahing dahilan ng pagtaba at sakit sa puso.

Ang hindi alam ng marami ay ang itlog ay isa sa pinakamsustansiyang pagkain na naglalaman ng iba’t ibang uri ng nutrisyon at mineral. Narito at ipapakita namin sa inyo ang mga benepisyo na maaari niyong makuha sa pagkain ng tatlong itlog kada araw.

Nutritional Facts

Ang itlog ay punong puno ng iba’t ibang uri ng nutrisyon na kailangang kailangan ng bawat katawan. Narito ang ilan sa mga bitamina at mineral na taglay ng itlog.

  • Phosphorus
  • Zinc
  • Folate
  • Selenium
  • Calcium
  • B vitamins
  • Vitamin D
  • Vitamin A

Bakit Kailangan Mo Kumain Ng Itlog Araw-araw? 

Mabuti para sa Utak 

Ang itlog ay mayaman sa choline, isang pangunahing sangkap upang maisaayos ang utak at mental health ng isang tao. Sa pamamagitan nito mas mapaparami ang produksiyon ng molecules at bagong cell membrane na importante sa paglago ng maayos na utak.




Mabuti Para Sa Malinaw Na Mata 

Ang itlog ay nagtataglay ng antioxidants at dalawa dito ay napakahalaga sa pagpapanatili ng malinaw na paningin at ito ay tinatawag na zeaxanthin at lutein. Kung nais mo mapanatili ang iyong masigla at malinaw na mata kumain lamang ng itlog araw-araw.

Mayaman Sa Protina 

Ang protina ay ang pangunahing sangkap na tumutulong upang mapatibay ang ating katawan at ang sangkap na ito ay makikita lagi sa itlog. Bukod pa rito nagtataglay rin ito ng amino acids na mahalaga sa pagpapanatili ng malakas at masiglang katawan.

Nakaka-pahaba ng Buhay 

Ang pagkain ng tatlong itlog sa isang araw ay tumutulong upang mapahaba ang iyong buhay. Dahil ito sa taglay na nutrisyon ng itlog at mga sangkap na nkakatulong upang protektahan ang katawan sa anumang banta ng sakit katulad ng kanser at sakit sa puso.

Kung ikaw ay nag-aalala sa mataas na cholesterol level ng itlog hindi mo na kailangang isipin pa dahil ang cholesterol ay mayroong dalawang uri, ang bad cholesterol at good cholesterol. Sa kabutihang palad ang itlog ay mas naglalaman ng good cholesterol kaysa sa bad cholesterol kaya naman napakasustansiya nito sa ating katawan.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *