Alamin Kung Naging Buhay Ngayon Ni Mura Matapos Lisanin Ang Mundo Ng Showbiz

Hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa showbiz si Noemi Tesorero o mas nakilala nga ng publiko bilang si Mahal. Ang madalas naman niyang nakakatambal noon sa mga pelikula ay si Allan Padua o nakilala naman sa showbiz bilang si Mura, na kung saan ngayon naman ay hindi na ito napapanood sa telebisyon.




Matatandaan na ang tandem ng dalawa ay talaga namang pumatok noon sa maraming mga manonood, lalo pa nga’t kagiliw-giliw naman talaga pag sila ay magkasama sa isang pelikula.

Image Credit via Google

Kahit naman naging malapit sa isa’t isa si Mahal at Mura ay hindi naman nauwi sa anumang relasyon o pagkakamabutihan ang tambalan nilang dalawa, dahil sa nang mga panahon na ‘yon ay mayroon rin namang boyfriend si Mahal.

Image Credit via Google

Isa naman sa hindi malilimutan na naging kaaliw-aliw na ginawa nina Mahal at Mura sa telebisyon ay nang pagsamahin sila sa isang noontime show, kung saan dahil sa kanilang pagkakahawig at pagkakaparehas ng taas ay pinagbihis sila ng pambabae upang magmukha nga silang kambal dalawa.

Image Credit via Google

Samantala, tumigil sa mundo ng showbiz si Mura noong taong 2010, ito ay dahil umano sa isang aksidente kung saan ay nagtamo siya ng pinsala sa kanyang katawan. At dahil nga rito ay nagdesisyon siyang magbalik muna sa kanyang probinsya sa Albay, at doon ay namuhay ng simple kasama ang kanyang pamilya.

Image Credit via Google

Pinagkaabalahan ni Mura ang pagtatanim ng mga gulay at pagtitinda nito. Nagtitinda rin siya ng uling, bilan kanya ngang hanapbuhay. Ayon naman kay Mura, sa kabila ng matagal-tagal na din siyang wala sa mundo ng showbiz ay hindi naman niya nakakalimutan ang naging trabaho niya rito.

Image Credit via Google

Kung siya nga ang tatanungin, ay talaga namang nais niya pa ring magbalik showbiz, para matulungan muli ang pamilya niya sa probinsiya, ngunit kahit gustuhin man niya ay wala namang umano siyang natatanggap masyado na mga proyekto.

Si Mura ay mayroong labing-tatlong mga kapatid, kaya naman kailangan niya rin talaga ang kumayod para matulungan ang mga ito. Noong hindi pa nga umano siya pumapasok sa showbiz ay nagtrabaho siya sa Circus bilang isang ball juggler at back-up dancer,

hanggang sa madiskubre nga siya ng isang talent manager at kinuha siya nito para sa isang show. At doon na nga nagsimula ang kanyang naging karera sa showbiz.




Huli ngang napanood sa telebisyon si Mura sa isang episode ng “Tadhana” kung saan ay gumanap siya bilang isang ‘little person’ na OFW sa Qatar na kinukutya ng sariling anak.

At nang siya nga ay muling masilayan sa telebisyon ay marami ang nagbigay komento na nami-miss nila si Mura na mapanood sa telebisyon at sa kabila nga umano ng matagal-tagal na pagkawala nito sa showbiz ay hindi pa rin nawawala ang pagiging mahusay nito sa pag-arte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *