Alden Richard At Isang Sikat Na Girl Gamer Usap-Usapan Sa Online

Aldub Loveteam, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa loveteam na ito? Isa ito sa pinaka naging kilalang phenomenal couple sa showbiz industry kung saan ay pinag tambalan nina Alden (Alden Richards) at Yaya Dub (Maine Mendoza).




Hindi nga makaka-ila na minahal ng marami sa atin ang tambalang Aldub, dahil na rin sa talagang nakakakilig ang chemistry ng dalawa on-screen.
Unang lumabas ang Aldub Loveteam sa Kalyeserye ng posisyon na”Juan for All, All for Juan” segment ng variety show na Eat BUlaga! Sa GMA Network.

Photo Credit: aldenrichards02/Instagram

At matapos nga ito, ay ilang proyekto din ang pinagsamahan ng dalawa, isa na din sila sa pinaka-successful at hinahangaang loveteam sa ating bansa.

Photo Credit: aldenrichards02/Instagram

Samatala kahit pa nga ba napakarami ng mga serye, pelikula, proyekto at mga parangal ang nakamit at pinagsamahan ng Aldub Loveteam ay nauwi rin sa paghihiwalay ng tambalang kinakiligan ng marami. Ito ay ng magdesisyon si Maine Mendoza (Yaya Dub), na maging totoo sa kanyang sarili at aminin kung hanggang saan lang ang relasyon niya kay Alden.

Photo Credit: aldenrichards02/Instagram

Nagkanya-kanya man ng landas ang phenomenal couple, ay nanatili naman ang pagkakaibigan ng dalawa, at syempre hindi rin basta-basta malilimutan ng kanilang mga tagahanga ang mga magagandang alaala na pinag tambalan nilang dalawa.

Photo Credit: sliceofb1ancake/Instagram

Ngunit nitong nakaraan lamang ay muling naging usap-usapan sa iba’t-ibang social media platform si Alden, dahil umano sa isang mensahe ng aktor sa isang napakagandang streamer na kinilalang si “Biancake”.

Photo Credit: sliceofb1ancake/Instagram

Kaya tanong ng marami? Magkakaroon na ba ng bagong loveteam si Alden?
Ayon sa ilang source, nagpadala ng mensaheng “143” si Alden kay Bianca Yao o mas kilala ng marami niyang tagahanga bilang si “Biancake” bilang suporta umano ng aktor sa mga local streamer na tulad ng dalaga.

Photo Credit: sliceofb1ancake/Instagram

Nadistruct naman si Bianca sa kanyang live gaming stream, dahil sa may ilang mga netizens na nagsisimula na siyang tuksuhin at i-link sa aktor.

Photo Credit: sliceofb1ancake/Instagram

Agad naman itong binigyan ng linaw ng dalaga, na wala umanong anumang romantic relation sa pagitan nilang dalawa ng aktor. Sinabi rin ni Bianca na sana ay huwag ng bigyan ng anumang malisya sa mensaheng ipinadala ni Alden sa kanya, dahil ang nais lang umano nito ay magbigay suporta sa mga local streamer na tulad niya.




Hindi naman naiwasan na may ilang mga netizens ang nagbigay ng kanilang mga negatibong komento sa naging pahayag ni Bianca.

Pero may kasabihan nga tayo na darating ang tamang panahon para sa dalawang tao, kung talagang sila ay nakatakda para sa isa’t-isa,malay nga naman natin kung biglang maging sila in the future, lalo na at ngayon ay pareho namang single ang dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *