Alden Richard Na Di-Umanoy Na-Inlove Siya Sa Isang Aktres

Kilala ng marami ngayon ang aktor na si Alden Richard bilang isa sa pinaka-charming na aktor sa showbiz industry. Ngunit sa isang panayam sa kanya sa Dressing Room Online Exclusives ng Tonights with Boy Abunda, simple at diretsahan nitong sinagot ang mga katanungan sa kanya.




Sa muling pagkikita ng King of Talk ni Tito Boy sa aktor, ay tila bumalik sa kanyang alaala ang sampung taon ng nakalipas na ang isang binata na nagngangalang Richard Faulkerson ay pumasok sa parehong dressing room at nagtanong sa kanya ng isang advice on prospect sa industriya, ito ay ang mga panahong kasama niya pa si Kris Aquino na nagho-host sa Showbiz News Ngayon.

Photo Credit: aldenrichards02/Instagram

At ngayon nga, kahit na kilala na ng marami si Alden Richard bilang matinee ido at phenomenal actor ng kanyang henerasyon, ay tinawag pa rin siya ni tito Boy sa unang pagkakakilala nito sa kanya at ito ay bilang si Richard.

Photo Credit: aldenrichards02/Instagram

Sa naging panayam na ito na si Tito Boy sa “Hello, Love Goodbye” lead actor ay ibinahagi ni Alden Richard ang mga rejections na pinagdaanan niya noon, ang simpleng buhay na ginagawa niya.

Photo Credit: aldenrichards02/Instagram

Ang paglalaro niya ng video games kasama ang kapatid niya, ang naging lovelife niya, at syempre ang naging karanasan niya ng makatrabaho sina Kathryn Bernardo at Director Cathy Garcia-Molina.

Photo Credit: aldenrichards02/Instagram

Pagbabahagi ni Alden, hindi naging madali ang buhay niya sa umpisa dahil halos napakaraming rejections ang kanyang napagdaanan bago pa nga niya narating ang kasikatan na tinatamasa niya ngayon.

Photo Credit: aldenrichards02/Instagram

“You’ve tried so many times and you’ve given all you’ve got, but still you got “NO” for an answer. Mas marami po ang no.”, saad ng aktor.

Photo Credit: aldenrichards02/Instagram

Ayon pa nga kay Alden, ay mas pipiliin pa rin niya magkaroon ng simpleng buhay sa kabila ng kasikatan na mayroon siya ngayon at sinabi nga niya na sanay siya sa hirap sakali mang mawala ang lahat sa kanya.

Ikinuwento din ni Alden na isa sa mga bagay na simple yang ginagawa ay ang umupo at maglaro ng video games, dahil simula pa umano ng 7-taong gulang siya ay ito na ang nagpapasaya sa kanya lao na kapag ang kanyang kapatid ang kalaro niya.

“It’s a part of me that’s been with me for the longest time, alongside with my brother, we’ve been gamers since we were 7.”

Naitanong rin ni Tito Boy kay Alden, na kung minsan ba ay may mga magulang sayang na-encounter sa buhay niya na inerereto ang mga anak nito sa kanya at sinabi nga ng aktor na “Yes” na may kasamang tawa sabay sabing dahil “single siya” ngayon ay may mga pagkakataon na nae-experience niya ito.

Ang salitang binitawan ni Alden na “Being single” ay nakakuha ng atensyon ni tito Boy, kaya’t agad siyang tinanong nito kung kailan nga ba siya bagkaroon ng huling seryosong relasyon. “It was a longtime ago, I was in college”, sagot ng aktor.

Matapos nga nito ay tinanong naman siya ni Tito Boy kung nagkaroon na rin ba ng pagkakataon na ma-inlove siya sa isang aktres.

“I did” but there’s a point in a relationship, in life, no matter how strong the feeling is towards the person, minsan hindi talaga kayo nagkakaintindihan. Hindi umabot sa naging kami.” Ang naging pahayag nga nga aktor.

Ibinahagi rin ni Alden, kung anong klaseng direktor si Direk Cathy Garcia-Molina, at kung gaano ka-generous na aktres si Kathryn Bernardo. Sinabi rin ng binata kay Tito Boy, na ang on-screen chemistry nila ng aktres ay organic.

“Yun ang magic naming ni Kat. During the movie, everything was organic. Nothing was forced. Walang pilitan. We don’t have to do anything off cam to make the onscreen chemistry work,” saad pa ni Alden.




Pinaglaro din ni Tito Boy si Alden Richard ng fast talk, kung saan ay ilang mga katanungan ang diretsahang sinagot ng aktor. At dito nga natin napag-alaman na ang childhood idol niya ay si John Lloyd Cruz, si Dawn Zulueta naman ang kanyang childhood crush at si Marian Rivera ang sexiest woman in the Philippines para sa kanya.

Tinangkilik nga ng mga manonood ang pelikulang “Hello, Love Goodbye” nina Alden Richard at Kathryn Bernardo, kaya naman talagang pumalo ito sa takilya ng halos ilang milyon at naging block buster movie ng taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *