Alex Gonzaga At Nobyong Si Mikee Morada Engage Na

Ang TV Host na si Alex Gonzaga ay kilala rin bilang isang vlogger na kadalasan ay pagbabahagi siya ng mga personal na pangyayari sa kanyang buhay. Nitong nakaraan nga araw ng Biyernes, January 17,2020 ay nagbahagi ang nasabing 32- anyos TV Host-vlogger ng isa na namang video na tungkol sa isang mahalagang pangyayari sa kanyang buhay.

Photo Credit: cathygonzaga/Instagram




Sa vlog na inilabas ni Alex ay makikita ang aktwal na pag popropose sa kanya ng kanyang nobyo na si Mikee Morada na isang konsehal sa Lipa City, Batangas. Sa pagbabahagi niya ng video na ito ay nalaman ng kanyang mga tagahanga at followers na siya pala ay engage na noon pang nakaraang buwan.

Photo Credit: cathygonzaga/Instagram

Matatandaan naman na noong nakaraang Oktubre taong 2019 ay ipinagdiwang ng mag kasintahan Alex at Mikee ang kanilang ika-3 anibersaryo bilang mag kasintahan.
Ang proposal na ito ni Mikee sa Tv host-vlogger ay naganap pa noong nakaraang buwan, December 27, 2019 na habang silang dalawa ay namamasyal sa 1881 Heritage sa Kowloon, Hong Kong.

Photo Credit: cathygonzaga/Instagram

Kasama rin nila ng mga oras na ito ang mga magulang ni Alex na sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty Gonzaga. Sa video na ibinahagi ni Alex ay makikita na naglalakad silang dalawa ng kanyang nobyo na si Mikee kasunod ang mga magulang ng dalaga ng biglang huminto ang magkasintahan sa kanilang paglalakad.

Photo Credit: cathygonzaga/Instagram

Kasunod ng kanilang paghinto sa paglalakad ay biglang lumuhod si Mikee sa harap ni Alex na biglang nagpatalon at nagbigay ng kakaibang kasiyahan sa nasabing dalaga. Makikita rin na nakaupo si Alex ng tuluyang ilabas ni Mikee ang engagement ring.

Makikita naman na kinikilig si Alex habang natatawang pinagmamasdan ang kanyang nobyo na si Mikee na nakangiti sa kanyang ngunit hindi magawang mabanggit agad ang nais sabihin nito.

Bigla tuloy nasabi ni Alex na “ANo, Tulungan niyo!”. Na kung saan pagkasambit nito ng dalaga ay agaran namang nagsalita na si Mikee at nagtanong ng “Will you marry me?” na bago sumagot ang dalaga ay makikita na ito ay tawa ng tawa muna hanggang sa sambitin nito ang salitang “YES!”.

Pagkatapos naman ng naganap na proposal ng sila ay namasyal ay nag dinner sina Alex at Mikee kasama ang mga magulang ng dalaga. Sa dinner ay inusisa ni Alex kung bakit parang hindi nagulat ang kanyang mga magulang ng mag propose sa kanya ang kanyang nobyo.

Dito ay napag-alaman ng dalaga na bago pa pala mag propose sa kanya si Mikee ay nakausap at nasabihan na nito ang mommy at daddy niya sa magaganap na proposal.
Sa sobrang tuwa naman ni Alex ay hindi niya maialis ang tingin sa kanyang engagement ring at paulit ulit na hawakan ito habang sila ay nagdidinner. Nasabi pa niya sa camera na “Sobrang saya ng puso ko, di nyo ba alam.”

Nagbigay na naman ng masayang mensahe ang TV host-vlogger bago matapos ang video, “Pumunta ako dito ng single, ngayon uuwi ako ng Pilipinas nang betrothed at may fiace”. Ang masayang mensahe ni Alex.

 

View this post on Instagram

 

The short clip of what happened in Hongkong. I love you @mikee_mo, wala ka ng kawala kay Gonzaga! Full vlog #LinkinmyBio

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

Ngayong buwan naman ng Enero kung kailan nagdiwang si Alex ng kanyang ika-32 birthday noong Enero 16 ay inanunsyo niya sa social media na siya ay engaged na sa kanyang nobyo na si Mikee.




Lubos naman ang naging pasasalamat ni Alex sa lahat ng bumati sa kanyang kaarawan at ang kanyang pasasalamat ay ipinaabot niya sa pamamagitan ng kanyang mensahe sa kanyang instagram kalakip ng larawan nila ni Mikee na kung saan ay nakayakap siya rito at makikita ang kanyang suot-suot na engagement ring.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *