Kasabay ng mabilis na paglipas ng panahon ay ang matuling ding paglaki ng mga cute na cute na bata lamang noon na ating kinagigiliwan, kung sana ngayon ay makikita nga natin sila na mga ganap ng mga dalaga at binata. Halimbawa na lamang nga nito ay ang mga kinagigiliwan nating mga child star noon, na ngayon ay mga nagagandahan at nagagwapuhang binata na, tulad na lamang ng dating child star na si Alexa Ilacad.
Si Alexa Ilacad ay isa sa mga child star noon na kinagigiliwan natin sa ating mga telebisyon, ngunit ngayon ay makikita na nga natin sa kanya ang pagiging ganap na niyang dalaga sa edad niyang 22, kung saan ay kahanga-hanga nga ang kanyang taglay na mala-diyosang kagandahan at maamong mukha.

Hindi nga aakalain na ang dating cute na cute na bata lamang noon na napapanood natin sa telebisyon bilang commercial model at child star, ay agaw-pansin ngayon sa social media dahil nga sa kanyang nakabibighaning ganda.

Kahit naman nakakaranas ng mga pambabatikos mula sa kanyang mga bashers dahil sa kanyang pangangatawan, ay patuloy namang pinapatunayan ni Alexa ang kanyang sarili, lalo na ang pagkakaroon niya ng mabuting kalooban at overflowing beauty.

Nito nga lamang nakaraan ay muling pinabilib ni Alexa ang publiko ng ibahagi niya sa kanyang Instagram account ang kanyang nakakamamanghang water photoshoot, na mayroong kalakip na caption na, “Only in still waters do things reflect undistorted.”

Marami naman kaagad sa mga netizens ang nagpahatid ng kanilang paghanga sa kagandahang ipinamalas ni Alexa sa photoshoot niyang ito, ang iba ay nagkomento ng nag-iisang “Dyosa ng Tubig”, at mayroon namang nagkomento ng “Overflowing sa ganda.”

Maging ang nali-link ngayon kay Alexa na si KD Estrada, ay hindi rin nagpahuli at nagkomento rin sa larawan ng aktres na talaga namang nagpakilig sa marami nilang mga tagahanga, dahilan para umabot sa 2K na likes ang komento niyang ito.
“Tama na nahulog na nga eh”, ang mababasa ngang komento ni KD.
Samantala, hindi lamang naman ang angking kagandahan ni Alexa ang hahangaan ng marami sa kanya, dahil kamakailan lamang ay pinatunayan din niya na isa nga siya sa mga ‘beauty and brain’ actress sa mundo ng showbiz, ito ay matapos nga niyang matagumpay na makapagtapos sa kolehiyo sa kursong Business Administration sa Treston International College, kung saan siya ay nakakuha pa nga ng perfect na 1.0 na GWA.