Alice Dixson Ipinakilala Sa Publiko Ang Napakagandang Panganay Na Anak

Kilala bilang isang pinakamagandang aktres sa industriya ng showbiz si Alice Dixson, dahil sa kanyang angking kagandahan ay talagang marami ang nahumaling sa kanya. Hindi rin maitatanggi na isa si Alice sa mga mahuhusay na aktres sa mundo ng showbiz.
Kamakailan nga lamang ng isapubliko ni Alice ang kanyang anak na si Baby Aura o kung tawagin nga niya ay si Baby A, kung saan ayon nga sa akres ay bunga ng surrogacy ang kanyang anak.




Samantala, nito lamang nakaraan sa kanyang Instagram account ay ipinakilala naman ni Alice ang panganay niyang anak na si Sassa, kasabay ng nga ng kanyang pagbati sa kanyang sarili ng Happy Mother’s Day. Sa naturang IG post nga na ito ng aktres, ay kanyang ipinasilip ang ilang mga larawan na kuha sa naging masayang beach trip nila ng kanyang pamilya.

Image Credit via Google

Inilahad naman ng aktres sa caption ng larawan na kanyang ibinahagi kung gaano siya kaswerte na mabigyan ng pagkakataon na maging isang ina ng kanya ngang dalawang anak.

Image Credit via Google

“Being a mom is a gift. I’ve been very lucky in my lifetime to experience it twice; [first] with Sassa, our panganay… [Nang] dumating, nabuo ang munting pamilya”, ani Alice sa kanyang caption.

Image Credit via Google

Ayon nga kay Alice, ngayon lamang niya ipinakilala sa publiko ang panganay na anak dahil sa napaka-protective ng ama nito. “Hindi ko siya na-introduce formally when she was a teen kasi napaka-protective ng father niya pero ngayon na young lady na siya at masters grad pa–the world is now her oyster”, ani pa ni Alice.

Bago naman tinapos ni Alice ang kanyang caption sa kanyang IG post, ay mayroon din siyang inihayag na mensahe para sa kanyang panganay na anak, kung saan ay sinabi nga niya kung gaano siya ka-proud dito dahil sa pagiging maganda dalaga nito sa panloob o panlabas man nito.




“I’m so very proud (of) the woman you are and becoming–beautiful inside and out.”
Tila nga sa kasalukuyan ay mas nagiging bukas na sa publiko si Alice pagdating sa kanyang personal na buhay, dahil sa pagpapakilala na niya sa kanyang mga anak sa publiko.
Matatandaan din na noong buwan ng Setyembre noong nakaraang taon ng ibahagi ni Alice ang tungkol sa kanyang ‘forever” ngunit hanggang sa kasalukyan ay hindi pa rin nakikita sa social media ni Alice ang larawan ng kanyang long-time partner.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *