Alice Dixson Tunay Na Kahanga Hanga Ang Pagiging Fit At Fabulous Looks Sa Beach

Isa sa mga pinakamagandang aktres sa industriya ng showbiz na tunay na hinahangaan mula noon hanggang ngayon si Alice Dixson. Ang kanyang angking kagandahan at kaseksihan ay talaga namang hanggang sa ngayon ay wala pa ring kupas kahit ilang taon na rin nga ang lumipas mula sa panahon ng kanyang kabataan.




Sa kasalukuyan ay 52-taong gulang na ang First Lady star na si Alice, ngunit sa kabila nga ng kanyang edad ay patuloy pa rin niyang pinapatunayan sa lahat na edad lamang niya ang tumatanda at hindi ang kanyang hitsura dahil hanggang ngayon ay napaka- fit at fabulous pa rin talaga niya.

Photo Credit: alicedixson/Instagram

Muli ngang pinatunayan ni Alice sa kanyang pinakabagong upload na larawan sa kanyang social media account ang pagiging isa niyang beach goddess.Nagbahagi nito lamang nakaraan si Alice sa kanyang Instagram account ng mga magaganda niyang larawan sa beach kung saan ay kasama rin nga niya ang baby girl niyang si Baby A.

Photo Credit: alicedixson/Instagram

Sa mga ibinahagi ngang larawan ng aktres ay agad na kapansin -pansin ang fit at fab look niya lalo na nga sa kanyang suot na bikini at loose shirt na mas nagpalitaw pa ng taglay niyang kaseksihan.

Photo Credit: alicedixson/Instagram

“50 shades of tan. Nasa shade 25 na ako hihi”, saad n Alice sa kanyang caption.
Bago naman ang larawan na ito ni Alice ay una na niyang ibinahagi sa kanyang Instagram ang ilan sa mga larawan niya kasama ang anak niyang si Baby A habang sila ay nasa beach.

Photo Credit: alicedixson/Instagram

Mayroon ding maikling video na ibinahagi si Alice kung saan naman makikita rito na nakatayo si Baby A sa may tubig dagat habang nakahawak sa isang poste at tila nga may maliit na baby shark na lumalangoy paikot dito.

Photo Credit: alicedixson/Instagram

“babies mouths are too small to bite…”, ang naging saad na caption naman ni Alice sa naturang video.Si Baby A ay ang nag-iisang anak ni Alice Dixson na una niyang ipinakilala sa publiko noong taong 2021 at ibinahagi rin nga niya na ang anak niyang ito ay bunga ng surrogacy.




Pagbabahagi pa noon ni Alice, halos 10-taon din ang kanyang hinintay bago nga nasagot ang matagal na niyang kahilingan na maging isang ina.
“For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year – my wish the same when I blew out my candles,” saad ni Alice sa kanyang Instagram post.

Leave a Reply

Your email address will not be published.