Ama Ng Aktres Na Si Heart Evangelista Labs Na Labs Ngayon Ang Asawang Si Chiz Escudero

Sa latest vlog ng Kapuso aktres na si Heart Evangelista ni lam ang nakaraan ay kasama niya ang kanyang amang si Reynaldo Ongpauco, kung saan ay napag-usapan nilang mag-ama ang ilan sa mga detalye tungkol sa kanilang personal na buhay.




Dito nga rin nabanggit ng ama ng aktres, ang kanyang naging nanghihinayang na hindi nito agad nakasundo ang asawa ng anak niya na si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.

Image Credit via Google

Isa nga sa mga naging katanungan ni Heart sa kanyang ama sa kanilang naging pag-uusap na dalawa, ay kung bakit hindi nito nagawa ng dumalo sa kasal nila ni Chiz. Matatandaan na si Heart ay ikinasal kay Chiz noong ika-15 ng Pebrero taong 2015 sa Balesin.

Image Credit via Google

Batid naman ng marami na ng panahon na ikinasal si Heart at Chiz, ay hindi pa talaga ayos ang relasyon ng Pinay fashion icon sa kanyang mga magulang. At isa na nga sa mga hindi talaga nila napagkasunduan ay ang pakikipagrelasyon nga ni Heart sa dating senador at ngayon ay Governor ng Sorsogon na si Chiz.

Image Credit via Google

Ang hind inga pagiging boto ng mga magulang ni Heart ang isa sa dahilan kung bakit tiniis ng mga ito na hindi dumalo sa kasal ng kanilang anak. Sa kabila nito, sa naging pag-uusap nga ng mag-ama sa latest vlog ni Heart at nilinaw ng ama ng aktres na hindi naman sila naging magkaaway ni Chiz.

Image Credit via Google

“Hindi ko naman siya [Gov. Chiz] naging kaaway”, saad ng ama ni Heart na si Daddy Reynaldo. Dagdag na pahayag pa nga nito, ay nanghihinayang siya na late na nga silang naka-ayos ng naging mister ng kanyang anak, sana nga ay noon pa ay naging okay na sila.

Image Credit via Google

“Sayang, naging bati na sana kami noon pa”, ani pa nito.
Maliban pa nga sa pag-uusap na ito ni Heart at ng kanyang Daddy, ay ipinakita rin ng Kapuso actress ang magandang samahan ngayon ni Daddy Reynaldo at ng asawa niyang si Gov. Chiz Escudero.




Para nga kay Heart ay naniniwala siya sa kasabihan na hindi dapat pinipilit ang isang bagay, dahil may tamang panahon na ito ay ibibigay talaga sayo.
“If you do everything right, and you pray a lot, time heals everything”, say nga ng Kapuso actress.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *