Anak Na Bunso Ng Mag-asawang Marian Rivera At Dingdong Dantes Na Si Sixto Tunay Na Kahanga Hanga Ang Kagwapuhan

Tuwing panahon ng tag-init o kung tawagin nga natin ay summer ay napakasarap nga naman ang magtampisaw sa tubig dagat o di kaya naman sa swimming pool sa mga magagandang beach o resort kasama nga ang ating pamilya. Tila isa na rin nga ito sa pagkakataon na sila ay ating maka-bonding.




Sa mga ganito ngang buwan ng Abril at Mayo madalas nating nararanasan ang sobrang alisangan na panahon, kaya naman ang ilang sa atin na nagdiriwang ng kaarawan sa nasabing buwan ay mas pinipili nga ang mag-summer outing kasama ang pamilya sa araw ng kanilang kaarawan kaysa ang magkaroon ng handaan sa loob ng tahanan, ito ay sa kagustuhan din nga natin na maibsan ang alinsangan na ating nararamdaman at siyempre ang makapag-enjoy na din kasama ang ating mga mahal sa buhay.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Samantala, ang bunsong anak ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Sixto ay nagdiwang kamakailan nga lamang ng ika-3 taong gulang na kaarawan, at sa pagdiriwang nga ng kaarawan ni Sixto ay pinili ng pamilya ang magbakasyonsa isang beach.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Makikita sa mga ibinahaging larawan ng aktres at celebrity mom na si Marian Rivera ang mga masasaya at magaganda nilang larawan magpamilya na kuha nga sa naging beach getaway nila noong kaarawan ng anak niyang si Sixto. Ayon sa ulat, ang mag-anak ay nagtungo sa napakagandang beach ng Pangulasian Island Resort, upang doon nga ipagdiwang ang espesyal na araw ni Sixto.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

“Happy happy birthday to my sweetest boy, Sixto! I’m so happy to see you grow and learn every day. You bring so much joy in our lives. Please don’t grow up too fast”, ang naging pagbati ni Marian sa kanyang bunsong anak na si Sixto para sa kaarawan nito.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Hindi naman maitatanggi ang undeniable cuteness ng birthday boy na si Sixto sa ilang mga larawan na ibinahagi ng kanyang inang si Marian. Tunay ngang ang angking kagwapuhan at ka-charmingan ni Sixto ay kahanga-hanga at ito ay hindi maitatanggi na minana niya sa kanyang mga magulang na pareho naman talagang gwapo at maganda.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Sa isang larawan nga na ibinahagi ni Marian ay makikita na tila isang seafarer na naligaw si Sixto dahil sa suot nitong puting t-shirt na tinernuhan ng stripe na short at sombrero, idagdag pa ang angkin nitong kagwapuhan habang nakangiti ng kunan ng larawan.




Dahil nga sa talagang nakakagiliw ang kakyutan ni Sixto, ay kaagad ngag umani ng maraming likes ang Instagram post na ito ni Marian. Kaka-post pa lamang nga ng celebrity mom ay agad na itong nagkaroon ng 141, 548 na likes reactions. Ilan din sa mga netizens ang nagpaabot ng kanilang pagbati para sa napaka-gwapong birthday boy na si Sixto.

Leave a Reply

Your email address will not be published.