Anak Na Bunso Nina Doug At Cheska Kramer Na Si Gavin Nag Celebrate Ng Ika-7 Kaarawan Sa Kakaibang Character Playing Birthday Celebration

Bilang mga magulang ay hangad natin ang lahat ng magandang buhay para sa ating mga anak. Nais natin na maibigay sa kanila ang mga bagay na alam natin magbibigay ng kasiyahan sa mga ito.

Photo Credit: chekakramer/Instagram




Hindi nga naman habang buhay ay mananatiling bata ang ating mga anak kaya’t habang sila ay bata pa lamang ay talagang ipinagkaloob natin ang mga nagpapasaya sa kanila isa na dito ang ipagdiwang ang kanilang kaarawan na talagang pinaghahandaan nating mga magulang.

Photo Credit: chekakramer/Instagram

Isa ang mag-asawang Doug at Cheska Kramer na labis ang pagmamahal sa kanilang mga anak, kaya’t ang mga bagay na alam nilang makakapagpasaya sa mga anak nila ay kanyang ipinagkaloob sa abot ng kanilang makakaya.

Photo Credit: chekakramer/Instagram

Isa sa mga pinaghandaan ng mag-asawang Doug at Cheska ay ang handog nilang birthday party para sa kanyang bunsong anak na si Gavin na nagdiwang ng kanyang ika-7 kaarawan. At upang mabigyan ng isang masaya at nakaka-enjoy na birthday party si Gavin ay isang kakaibang selebrasyon ang kanilang naisip at ito ay ang character playing role birthday celebration.

Photo Credit: chekakramer/Instagram

Ang kaarawan ni Gavin ay ginanap sa Marquis Events Place na matatagpuan sa Bonifacio Global City, Taguig. Ang selebrasyong ito ay tinawag nilang “Gavins World at 7” na dinaluhan ng malalapit na pamilya ng team Kramer at kanilang mga kapamilya.

Photo Credit: chekakramer/Instagram

Ayon sa mga larawan na ibinahagi sa naganap na birthday celebration ni Gavin ay talagang masasabing nag-enjoy ang mga bisitang dumalo dito dahil sa ganda ng set-up ng lugar. Napakarami ring masasarap na pagkain ang inihain para sa mga bisita, at may mga inihandang palaro din para sa mga bata na talagang nag-enjoy sa party ni Gavin.

Photo Credit: chekakramer/Instagram

Isa pa nga sa mga hinahangaan at naenjoy ng mga bisita sa nasabing selebrasyon ng kaarawan ni Gavin ay ang kakaibang pananamit ng pamilya team Kramer.

Photo Credit: chekakramer/Instagram

Sa mga larawan na ibinahagi ay makikita na ang team Kramer ay nakabihis ng mga paborito nilang character, si Doug ay nakasuot ng costume ni Guile ng Street Fighter, si Cheska naman ay nag costume bilang si Sailor Moon, si Kendra naman ay naka Lara Croft, si Scarlett ay naging si Black Widow at syempre ang birthday celebrant na si Gavin ay hindi rin nagpahuli dahil ito ay naka porma bilang Hwoarang ng larong Tekken.

Photo Credit: chekakramer/Instagram

Sa kanyang instagram account naman ay ibinahagi ni Doug Kramer ang ilang larawan na kuha sa naganap na selebrasyon ng kaarawan ni Gavin at ito ay may caption na;
“It’s Gavin’s birthday today! His idea was for everyone to dress up in their favorite characters. Guess who we are?!”

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay din ng kanilang pagbati sa kaarawan ng bunso ng pamilya Team Kramer. Narito ang ilan sa mga komento ng kanilang pagbati;
“jinky 2129 Happy Birthday Gavin”




“hoegh_estela Happy bday gavin….parang kailan lang 7 kana pala.” “gladys_mier Happy Birthday Gavin…” “marcuslyllecvill Gavin has Hwoarang…” “nnaesorbb Happy Birthday Gavin….what a nice bday celebration..” Nakikita nga sa mga larawan sa naganap na birthday party ni Gavin ang saya ng birthday celebrant pati na rin ang saya ng buong pamilyang team Kramer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *