Anak Na Panganay Ni Ogie Diaz Hinahangaan Ngayon Dahil Sa Taglay Nitong Ganda

Kilala bilang isang mahusay na komedyante sa industriya ng showbiz ang 50-taong gulang na si Ogie Diaz. Ang husay niya sa pag-arte ay mas napatunayan niya pa ng gampanan niya ang karakter na si ‘Pekto’ sa isa sa mga popular na sitcom noon na “Palibahasa Lalaki.”




Hindi nga lamang siya nakilala bilang isang aktor, kundi isa ring reporter at ngayon nga ay manager na rin ng ilang mga bigating artista sa mundo ng showbiz.

Photo Credit: erind_official/Instagram

Samantala, sa simula pa lamang ng karera ni Ogie Diaz ay hindi na niya ipinagkaila sa publiko na siya ay isang “gay”, ngunit sa kabila nito ay nagkaroon pa rin siya ng pamilya. Sa katunayan, isang responsible at mapagmahal na asawa at ama si Ogie Diaz sa kanyang pamilya.

Photo Credit: erind_official/Instagram

Si Ogie Diaz ay mahigit dalawamput taon nga kasal sa kanyang maybahay na si Georgette de Rosaria, at ang halos dalawang dekada na nga nilang pagsasama ay nabiyayaan na ng limang mga anak.

Photo Credit: erind_official/Instagram

Sa loob nga ng napakahaba ng panahon na kanilang pagsasama, ay nanatiling matatag at matibay ang kanilang pamilya sa kabila ng maraming hamon sa buhay, dahil na rin sa hindi maikakaila na ang kanilang pamilya ay puno ng pagmamahalan at pagkakaisa.

Photo Credit: erind_official/Instagram

Ang panganay na anak ni Ogie Diaz ay si Erin, na ngayon nga ay agaw-pansin sa social media dahil sa pag-gawa nito ng sarili niyang pangalan bilang isang mahusay na vlogger.

Photo Credit: erind_official/Instagram

Tila nga naman namana ni Erin sa kanyang ama ang pagiging isang mahusay na komedyante, kung saan hind inga lamang basta ang husay niya sa pagpapatawa ang hinahangaan sa kanya ngayon ng marami niyang mga tagasubaybay kundi ang likas din niyang kagandahan.

Sa mga vlog ni Erin na mapapanood sa kanyang YouTube channel ay talaga namang marami ang natutuwa at naaaliw sa dalaga, dahil sa pagiging masiyahin at natural nito sa harap ng kamera.

Matatandaan na minsan na ngang ipinamalas ng dalaga ang kanyang husay sa pagiging isang vlogger, at ito nga ay nang i-prank niya ang kanyang amang si Ogie, kung saan ay ikinatuwa naman ng mga netizens ang naging reaksyon ni Ogie ng siya nga ay ma-prank ng anak niyang si Erin.

Bilang isang anak naman, sa isang panayam noon kay Ogie at sa kanyang misis sa programang Magandang Buhay ng Kapamilya Network ay inilarawan nilang mag-asawa na bilang mga magulang ni Erin ay nakikita nila na ito ay isang responsible at mapagmahal na anak. Ibinahagi pa nga ni Ogie, na kapag silang mag-asawa ay parehong nasa trabaho, ay si Erin ang nag-aasikaso at nag-aalaga sa mga kapatid nito.




Para kay Ogie, ay talaga namang ipinagmamalaki niya ang panganay na anak na si Erin, dahil maliban sa taglay na kagandahan at talento nito, ay napakabuti rin ng puso nito. Dagdag pa niya, tanging hiling nga lang niya para sa anak niyang si Erin, ay ang matupad nito ang lahat ng pinapangarap sa buhay at sa anumang landas na nais tahakin nito sa buhay ay nawa’y maging matagumpay ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *