Anak Ng Aktor Na Si Joel Torre May Hawig Umano Sa Artistang Si Julia Montes

Isang beterano at mahusay na aktor sa industriya ng showbiz ang aktor na si Jose Rizalino De Leon Torre o mas kilala natin sa screenname niya na si Joel Torre, maliban pa nga sa pagiging isang magaling na aktor ay kilala din siya na isang prodyuser.

Photo Credit: doyouwantsomemar/Instagram




Ilan sa kanyang mga pelikulang ginawa ay ang Jose Rizal noong 1998, On the Job noong 2013 at ang Historical Period drama na Amigo noong 2010. Ang pelikulang Amigo ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na nauwi ang karangalan na “Best Actor Award” sa ginanap na 17th Puchon International Fantastic Film Festival noon.

Photo Credit: doyouwantsomemar/Instagram

Sa buhay pamilya naman ay kasal ang beteranong aktor sa kanyang asawa na si Christy Azcona noon pang 1990 at sila biniyayaan ng solong anak na babae.

Photo Credit: doyouwantsomemar/Instagram

Si Marella Torre ay ang nag-iisang anak nina Joel Torre at ng asawa nito,kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang nasabing dalaga sa mundo ng social media dahil marami sa mga netizens ang nakapansin ng pagkakahawig nito sa Kapamilya aktres na si Julia Montes.

Photo Credit: doyouwantsomemar/Instagram

Isa nga namang napakagandang dalaga ang anak na ito ni Joel Torre, at hindi lang nga basta ganda ang mayroon ang dalaga dahil ayon sa ibang source ay may angking talento din ito.

Photo Credit: doyouwantsomemar/Instagram

Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng talento at ganda na pwedeng pang-artista ay mas nais ng dalaga ng isang simple at pribadong buhay na malayo sa harap o likod ng kamera at wala din umanong interes ang dalaga na pumasok sa industriyang kinabibilangan ng kanyang ama.

Photo Credit: doyouwantsomemar/Instagram

Iba nga naman ang hilig at interes ng dalaga dahil siya ay may natatagong talent sa pagpipinta at landscaping. Hilig din niya ang mamasyal sa mga beaches at isa din sa mga kinahihiligan niyang sports ay ang pag boksing.

Isa rin sa mga kinaabalahan ng dalagang anak ni Joel Torre ay ang pagtulong nito sa pagmamanage ng kanilang negosyong “ TJ’s Manukan Grille.”




Bukod nga sa hinahangaan ng mga netizens ang pagkakahawig ng dalaga sa aktres na si Julia Montes, ay mas lalo naman humanga ang mga netizens sa dalaga dahil sa angking talento na taglay nito at sa kagustuhan nito na mamuhay ng simple at naaayon sa gusto at hilig niyang gawin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *