Anak Ng Celebrity Couple Na Sina Vic Sotto At Pauleen Luna Nagpakitang Gilas Sa Husay Nito Sa Musika

Si Baby Tali o Talitha Maria Luna Sotto ay ang unica hija ng mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto, kung saan siya nga ay isang malusog at matalinong bata, kaya naman tuwing mag-a-upload ang kanyang mommy na si Pauleen ng kanyang mga larawan o video sa social media ay giliw na giliw sa kanya ang mga netizens.




At nito nga lamang nakaraan, ay isa na namang kagiliw-giliw na video ni Tali ang ibinahagi ni Pauleen Luna sa kanyang Instagram account kung saan ay makikita nga ang naging mahusay na pagkanta ng kanyang anak sa awiting “Here comes the sun” ng bandang Beatles.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Kalakip nga ng video ay ang nilagay na caption ni Pauleen na;
“Easter Bunny. Been listening to Beatles music lately and so far, she’s loving Here Comes The Sun and Love Me Do.”

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Maririnig nga sa naturang video na sinasabayan ni Pauleen ng pag-awit ang anak na si Tali, at kabisado nga ni Tali ang naturang awitin na kanilang kinakanta.
Hindi naman nakakapagtaka na mayroong talento sa pag-awit si Baby Tali dahil batid ng marami sa atin na ang kanyang amang si Bossing Vic Sotto ay mahusay ring umawit, at sa katunayan nga ay naging miyembro iti noon ng bandang VST.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Tunay namang nakabibilib ang talino, talento at kabibohan ni Tali, dahil sa murang edad nga nito ay agad niyang nakakabisado ang awitin na kanyang gustong-gusto pakinggan.
Sa magkaibang post naman, ay makikita pa ang isang video na ibinahagi ni Pauleen, kung saan sa pagkakataon na ito ay abala si Tali sa pagpalo ng drum set at ang kanyang mommy naman ang kumakanta.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

“Our family is super into music that’s why moment like this are special for us. Happy that our daughter is musically inclined as well”, caption naman ni Pauleen.
Pabirong dagdag pa niya, “Kung si Ate Reg na idol ko ay Asia’s Songbird, ako naman ay Asia’s Songbook.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Ibinahagi rin ni Pauleen ang kanyang naging pasasalamat sa kanyang asawang si Vic Sotto dahil sa suporta nito, na ayon nga sa kanya ay ito ang kumuha ng video nila ng anak na si Tali.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

“Thank you, daddy, for capturing this moment and also to @dracen_dana_toy_station for the drumset (that our fam obviously enjoyed).”

Para nga kay Pauleen ay talagang napakahalaga ng ganitong pagkakataon na nagba-bonding silang magpamilya, lalo na nga at sila ng kanyang buong pamilya ay talaga namang mahilig sa musika.




Maraming mga netizens naman ang natuwa at bumilib sa angking husay ng anak ng celebrity couple, kung saan ayon nga sa kanila kahit maliit pa lamang ang anak ng mga ito na si Tali ay kinakikitaan na ito ng potensyal pagdating sa musika.

“Waaah! Tali baby! Every hit is right on the beat! Good job Tali”, ang naging komento ng isang netizen. “She knows the rhythm na. nice baby girl” sabi naman ng isa na talagang humanga at bumilib sa talento ni Tali.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *