Anak Ng Dating Aktres Na Si Bang Garcia Nagdiwang Ng Ika-6 Na Buwang Kaarawan

Buwan ng Hunyo noong nakaraang taon, ng matanggap ng mag-asawang Bangs Garcia – Birchmore at Lloyd Birchmore ang isa na namang napakagandang biyaya mula sa Panginoon, at ito nga ay ang pagdating ng kanilang ikalawang anak, na isa muling babae na pinangalanan nilang Isabella.




Ang pagdating ni baby Isabella sa buhay ng mag-asawa, ay masayang ibinahagi noon ng dating aktres sa kanyang Instagram account, kung saan ay sinabi nga niya na ika-21 ng Hulyo ang eksaktong petsa na isinilang niya ito, sa ganap na oras na 9:30 ng umaga, at 7.8 lbs ang naging timbang ni Isabella ng ito ay kanyang iluwal.

Image Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

Narito nga ang naging kabuuang caption ni Bangs sa kanyang naging post;
“Happy birthday Isabella!!! Born on 21st of July 2020 at 9:30 am weighing 7.8 lbs (exactly as heavy as her big sister Amelia when she was born.”

Image Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

Tunay ngang kay bilis ng paglipas ng panahon, dahil kung ating babalikan, ay parang kailan lamang ng itala ni Bangs Garcia sa social media, ang kanyang journey sa pagbubuntis niya sa ikalawang anak.

Image Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

Naparakami ngang mga larawan nito na kuha sa iba’t ibang magagandang lugar sa UK ang kanyang ibinabahagi sa social media, upang ipakita nga sa publiko ang kanyang lumalaking tyan.

Image Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

Samantala, ngayon nga ay halos ikang buwan na ang lumipas ng isilang ng dating aktres ang kanyang kyut na kyut na pangalawang baby. Kaya naman, nito nga lang ika-21 ng Hulyo ay tumuntong na si Isabella sa kanyang ika-6 na buwang gulang, na talaga namang kitang-kita na ang kanyang pagiging aktibo bilang isang sanggol.

Image Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

Sa araw nga ng ika-6 na buwang gulang ni Isabella, ay nagbahagi si Bangs sa kanyang IG ng mga kyut at nakakagigil na mga larawan ng kanyang bunsong anak, at ito nga ay nilagyan niya ng caption na;

Image Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

“Happy 6th month my little boo boo munchkin!!! @isabellabirchmore at Lookin’ so cuddly.. and munchy!!!! @isabellabirchmore #6monthsold”

Image Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

Kitang kita nga sa larawan na ito ni Isabella ang kanyang mala-manyikang mukha sa ganda, na binagayan pa ng kanyang suot suot na floral dress.

Image Credit: valeriebangsgarcia/Instagram

Mapapansin naman na itim na itim at straight ang buhok ni Isabella, at hindi ito parehas sa kanyang ate, na may pagka-wavy at pagka-blonde naman ang buhok.

Ilang oras nga lamang matapos itong ibahagi ni Bangs sa kanyang IG, ay dinagsa na agad ito ng napakaraming komento at likes mula sa mga netizens na talagang nakukyutan at gigil na gigil kay Isabella.




Ang ibang mga netizens ay nagkomento na tila isang napakagandang manyika ang bunsong anak ni Bangs, at ang iba naman ay sinabi na panay magaganda ang dalawang anak ng dating aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *