Anak Ng Isang ‘Kargador’ Nagsumikap At Nakapagtapos Ng Kolehiyo

Pangarap ng bawat isa sa atin ang makapagtapos ng kolehiyo. Ito rin kasi ang pangarap ng bawat magulang para sa kanilang anak. Palagi ng ang sinasabi ng ating mga magulang sa atin na tanging edukasyon lamang ang kanilang maipapamana na hinding-hindi makukuha nino man. Pero dahil mahirap ang buhay dito sa Pilipinas, ilan lamang ang nagkakaroon ng pagkakataong makapagtapos sa kolehiyo at ang iba pang ang nakapagtapos ay kinakailangan pang kumayod upang mairaos lamang ang kanilang pag-aaral katuwang ang kanilang mga magulang na todo rin ang suporta sa kanila kahit gaano man kahirap ang buhay.


Image courtesy: Mailyn Esquelito Akoy facebook account




Ito ang pinagmamalaki ng isang katatapos lamang sa kolehiyo na si Mailyn Esquelito Akoy na nagmula sa Sultan Kudarat. Mahirap lamang sina Mailyn. Ang kanyang tatay ang bumubuhay sa kanilang pamilya at nagtatrabaho bilang kargador. Kahit nabundol ng bus ang kanyang tatay, hindi pa rin ito naging hadlang upang hindi magtrabaho ang kanyang ama. Ito na lamang kasi ang pinagkukunan nila ng hanapbuhay kung kaya’t kailangan talagang kumayod. Madalas ring magpuyat ang kanilang pamilya kapag tag-ulan dahil bahain sa kanilang lugar.


Image courtesy: Mailyn Esquelito Akoy facebook account


Image courtesy: Mailyn Esquelito Akoy facebook account

Suma-sideline si Mailyn para may maitustos para sa sarili at pamilya. Pagkatapos ng kanyang sekondarya, hindi muna nagpatuloy si Mailyn sa kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Mabuti na lamang at nakuha pa rin siya ng scholarship mula sa TESDA sa programang Computer Literacy sa Nuestra Seniora de Candelaria Parish Church. Matapos ang isang taon, nakapasa si Mailyn sa entrance exam ng Sultan Kudarat State University sa Tacurong City kung saan kumuha siya ng kursong Bachelor of Arts in Economics.


Image courtesy: Mailyn Esquelito Akoy facebook account


Image courtesy: Mailyn Esquelito Akoy facebook account

Para nakapagbayad ng matrikula, kinakailangan pang umutang ng kanyang ina at syempre, mas nagtatrabaho pa ang kanyang ama para mabayaran ito. Mabuti na lamang at nakakuha ulilt ng CHED scholarship si Mailyn. Maliban pa rito, naging Academic scholar rin siya nang makapasok siya sa Dean’s Lister.


Image courtesy: Mailyn Esquelito Akoy facebook account

Marami ang nanlait ng nang insulto kay Mailyn dahil ambisyosa raw ito para mag kolehiyo. Hindi na ito pinansin ng kaniyang pamilya bagkus ay pinagigihan niya pang lalo ang kanyang pag-aaral at ngayon nga’y nakapagtapos na siya sa wakas kahit kargador lamang ang kanyang ama. Mabuhay kay Mailyn. Narito ang kabuuang post ni Mailyn:




“Lahat ng hirap na pinagdaanan ng mga magulang ko ang syang nagsilbing inspirasyon ko para pagbutihin ko ang aking pag-aaral. Dahil si Papa isang kargador samantalang si Mama naman ay siyang nag-aalaga at nag aasikaso sa aming magkakapatid. Naalala ko pa noon, halos 10 years kaming nanirahan sa squatters area ng minsang masunog ang aming bahay. Hindi alintana ni Mama noon ang maiwan sa loob ng lumalagablab naming bahay, mailigtas lamang kaming magkapatid, kaya nag iwan ito ng malaking marka sa kanyang brasu.


Image courtesy: Mailyn Esquelito Akoy facebook account

Upang makatulong ako sa aking mga magulang, nagtuturo ako, gumagawa ng mga project ng mga tamad na estudyante, nagpapakita ng chicharon sa aming kapitbahay. naglalako ng gulay, namumulot ng plastik, bote, bakal at minsan ding naging working student ng sa ganon may pang baon at pambayad ako sa mga babayaran ko sa paaralan.


Image courtesy: Mailyn Esquelito Akoy facebook account

Marami ang nakapag sabi na hindi ako makaka-abot hanggang 4th year college dahil hindi na raw kakayanin ng aking mga magulang ang magiging gastusin sa paaralan. Hanggang 1st semester lang daw ako dahil si Papa isa lamang na kargador na kung tutuusin kulang pa ang kayang kinikita sa pang araw-araw naming gastosin dahil lang sa kakaramput nitong kita.

Bilin ni Papa lagi sa akin: “Anak, mag-aral kang mabuti dahil hanggat may lakas pa akong magtrabaho, makakapag-aral ka. Wag mo akong ikahiya dahil isa lamang akong KARGADOR. Ikaw nalang ang magiging pag-asa namin ng Mama mo”. Alam kong hindi biro ang maging isang kargador. Masakit makita ang iyong ama ay nahihirapan sa kanyang trabaho. Napapaluha ako sa tuwing nadadaanan ko si Papa kanyang pinagtatrabahuhan papuntang paaralan. Buhat-buhat ang halos 40 kilong sako ng semento, na halos hindi ko na makilala dahil sa alikabok na babalot sa kanyang katawan at nakabilad sa ilalim ng tirik na araw.




Kahit hindi man ako Cum Laude, Hindi rin ako honored student at wala man akong matatanggap na kahit anong award at kahit audience nanaman ang lola nyo sa nalalapit na parangal, masaya ako na ilahad ang aking kwento hindi para may maipagmayabang dahil malapit na ako sa katotohanan ng tagumpay kundi para maibabahagi ang kwento kong ito para nagsilbing inspirasyon sa mga kabataang katulad ko na salat sa buhay, na anak ng isang kargado, na kahit anong hirap ay kayang lampasan lahat ng pagsubok, magpursige at magsumikap na anak at isang estudyanteng kailanman hindi nauubusan at nawawalan ng tiwala sa Poong Maykapal. Dahil kung ikaw ay may hangarin maabot at maabot mo ang iyong mga pinapangarap. Dahil ako? HINDI AKO NAHIHIYA NA IPAALAM NA ANG TRABAHO NG AKING AMA AY ISANG ‘KARGADOR’.”

Video credit to Mailyn Esquelito Akoy facebook account :

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *