Sa mundo ng showbiz ay hindi lamang nga ang mga hinahangaan at iniidolo nating artista ang ating nabibigyan ng pansin, dahil maging ang kanilang kapamilya ay napupukaw din ang atensyon natin. Madalas nga na nabibigyan natin ng pansin ang mga anak ng ilan sa mga hinahangaan natin personalidad sa showbiz, at ang iba nga sa mga ito ay nasasabihan pa natin na maaring sumunod sa yapak ng kanilang mga magulang lalo na kung ito ay may angking karisma at talento.
Isa sa mga pinag-uusapan ngayon ay ang napakagandang anak ng komedyanteng si Anjo Yllana. Si Anjo ay kilala ng publiko bilan isa sa mga mahuhusay na komedyante sa mundo ng showbiz dahil sa kanyang galing sa pagpapatawa, kung saan ay marami na nga siyang nagawang pelikula na naghatid ng ngiti sa bawat Pilipinong manonood. Kilala din si Anjo bilang parte ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Maliban nga sa pagiging isang mahusay na komedyanteng aktor at host, ay isa nang ama si Anjo, at isa nga sa mga agaw-pansin ngayon ay ang kanyang panganay na anak na si Mikaela Yllana, na pinag-uusapan ngayon dahil sa taglay nitong ganda.

Si Mikaela ay mayroon pang tatlong kapatid, ito ay sina Jamie, Nathan at Andie at halos silang lahat ay mayroon ng ang taglay na katangian ng isang artista kaya naman masasabi nga natin na maari nilang sundan ang yapak ng kanilang ama.

Samantala, sa kabila naman ng pagiging agaw-pansin niya sa mata ng mga netizens, ay tila naman wala pa sa loob ng dalagang anak ni Anjo na si Mikaela ang sundan ang yapak ng kanyang ama na pasukin ang mundo ng pag-aartista.

Sa kasalukuyan kasi ay nag-aaral pa si Mikaela, at ang prayoridad nga ng dalaga ngayon ay ang matapos ang kursong kanyan kinuha sa Ateneo De Manila University. Kahit naman abala sa kanyang pag-aaral, ay makikita naman na paminsan-minsan ay sumasabak sa pagmo-modelo si Mikaela.

Dahil sa ilang mga larawan na makikita sa social media account ng dalaga. Kapansin-pansin din sa iba pang mga larawan ni Mikaela sa kanyang social media account ang iba’t ibang mga aktibidad na kanyang ginagawa, kung saan ito ay ang pag-i-enjoy sa kanyan buhay habang siya ay bata pa. Marami naman sa mga netizens ang umaasa na darating ang panahon na maiisipan din ni Mikaela na sumabak sa pag-aartista tulad ng kanyang ama.