Anak Ng Mag-asawang Bong Revilla At Lani Revilla Na Si Gianna Engaged Na Sa Kanyang Musician Businessman Boyfriend

Sa taong 2021, ay mukhang may isa na namang anak na ikakasal, ang mag-asawang Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado.




Ito at matapos ibalita ng kanilang isang anak na si Gianna Revilla, na ito ay engaged na, sa boyfriend nito na si Jed Patricio, isang businessman, part-time musikero, at real estate broker. Ayon sa ulat, nito lamang nagdaang pasko, naganap ang engagement ng magkasintahan.

Photo Credit: giannarevilla/Instagram

Sa Instagram account ni Gianna, ay ibinahagi nito ang mga larawan na kuha nang mag-propose sa kanya si Jed, kung saan ito ay naganap sa mismong bahay rin ng kanyang mga magulang na sina Lani Mercado at Bong Revilla.

Photo Credit: giannarevilla/Instagram

Caption nga ng anak nina Bong at Lani na si Gianna, sa ipinost niyang larawan;
“BEST CHRISTMAS GIFT EVER. Words cannot express how happy I am. I’m thrilled for what God has prepared for us baby. I will you forever, through thick and thin (emoji diamond ring).”

Photo Credit: giannarevilla/Instagram

Nagbahagi rin si Lani Mercado, ng mga larawan sa kanyang IG account, kung saan ito ay ang naging kaganapan sa wedding proposal na ginawa ni Jed, para sa kanilang anak. ang mga larawan ngang ito, ay nilagyan niya ng caption na;

Photo Credit: giannarevilla/Instagram

“Dec. 25, 2020 the proposal day @[email protected] It has been 9 yrs and now and now both you decided to take in to the next level! Congrats mga anak! Prayers for both of you. We love you both!”

Photo Credit: giannarevilla/Instagram

Ang anak nga nina Bong at Lani na si Gianna at ang boyfriend nito na ngayon ay fiancée ng si Jed Patricio, ay siyam na taon ng magkasintahan. Base sa Instagram account ng dalawa, marami na silang napuntahan na iba’t ibang mga lugar, lalo na sa ibang bansa. Sila ring dalawa ay nasa hustong edad na, para bumuo o magkaroon ng kanilang sariling pamilya.

Photo Credit: giannarevilla/Instagram

Samantala, tila si Bryan Revilla, na anak na panganay nina Bong at Lanie na lamang ang nanatiling single sa pamilya, dahil sa kasalukuyan ay nananatili itong binata, at walang nababalita na ito ay may kasintahan na.




Matatandaan naman na ang isa pang anak na lalaki nina Lani at Bong na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla, ay nasa isang taon na ring kasal sa asawa nito na si Angelica Alita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *