Anak Ng Mag Asawang Tanod at Kasambahay Nagbigay Inspirasyon Matapos Makapagtapos Bilang Cum Laude

Sa kabila nga ng kahirapan ng buhay, ay kamangha-mangha ang mga kabataan na nagsusumikap na matapos ang kanilang pag-aaral, lalo na nga kung nakikita nila na ang kanilang mga magulang ay pinagsusumikapan rin na sila’y mapag-aral upang magkaroon sila ng magandang kinabukasan.




Kagaya na nga lamang nito, ang binatilyo na si Johnrick Art Cantindoy Orense, na anak ng tanod at kasambahay, kung saan kahit na hindi naging madali na abutin niya ang pangarap niyang makapagtapos ng kolehiyo dahil sa kahirapan, ay matagumpay niya pa rin itong nakamit dahil sa kanyang naging pagsusumikap at determinasyon.

Image Credit via Google

Ayon sa ulat, dahil nga sa kahirapan ng kanilang buhay, ay minsan ng nasabi ng magulang ni Johnric sa kanya na kumuha na lamang ito ng kurso sa TESDA o Technical Education and Skills Development, na ang layunin nga ay magbigay ng libreng diploma courses na maaring gamitin ng isang indibidwal upang makapaghanap ng trabaho o di kaya naman ay magsimula ng kanyang sariling negosyo.

Image Credit via Google

Pagbabahagi nga ng binata, hindi naman masama kung pipiliin ang pagkuha ng TESDA course kaysa sa college degree, lalo na nga sa katulad niya na batid na hindi sapat ang sahod ng kanyang mga magulang upang mapag-aral siya sa kolehiyo sa kursong nais niya.

Image Credit via Google

“Nak, mag-TESDA ka na lang”, ang naging saad nga umano ng magulang ni John rick sa kanya noon. Saad pa ng binata, kinausap rin siya ng kanyang mga magulang noon, na kung maari ay magtrabaho na lang muna siya, dahil sa hwala pa silang pera na kinakailangan niya kapag nag-aral siya sa kolehiyo.

Image Credit via Google

Ngunit dahil sa talagang gusto umano niya na magtapos ng kurso sa kolehiyo, ay nagmatigas siya, at talagang ipinaglabanan ang gusto niya.

Image Credit via Google

“Pero matigas ulo ko. Hindi ko sinunod yung utos niyo. Pinili ko mag-aral kaya heto ang resulta”, ani Johnrick na ngayon nga ay nakapagtapos na sa kolehiyo bilang isang Cum Laude.

Dahil sa talagang pangarap ni Johnrick ang makapag-aral ng isang degree course ay hindi niya umano sinunod ang mga magulang niya na mag-TESDA siya o magtrabaho na lang muna. Bagkus ay nagsumikap siya na makuha ang kursong nais niya upang magkaroon nga ng mas magandang kinabukasan.

At ngayon nga ay talaga namang proud siya at masayang masaya ang kanyang mga magulang dahil matagumpay siyang nakapagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Journalism, na may parangal pa na Cum Laude.

Ang kwento ng ang kanyang naging matagumpay na pagtatapos ay ibinahagi ni Johnrick sa social media, na agad namang nag-viral dahil sa naghatid ito ng inspirasyon.

“This is not to boast my achievements. Rather, I am posting this to inspire and motivate everyone who think they can’t. Always think that financial constraints is not an excuse. Just like you.




I am an ordinary person but I chose to do things extraordinary. A friendly reminder that poverty is never a hindrance to success and everything you aspire and dream of will always be possible with faith”, ani Johnrick.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *