Anak Ni Andi Eigenmann Na Si Lilo Tinuruan Ng Amang Si Philmar Alipayo Kung Paano Mag Surf

Tila nga naman namana ng anak ng aktres na si Andi Eigenmann na si Lilo ang hilig ng kanyang amang si Philmar Alipayo sa pagse-surf. Dahil sa murang edad nito ay makikita na nga kung gaano ito ka-enjoy sa nagtatampisaw sa dagat habang nakasakay sa surfing board.




Sa YouTube channel ng pamilya ni Andi na ‘Happy Islanders’ ay madalas niyang ipinapakita sa kanyang mga ginagawang video vlogs ang masaya at simpleng pamumuhay nila ng kanyang pamilya sa Isla ng Siargao, lalo na nga ang kasimplehan ng buhay ng kanyang mga anak.

Image Credit vis YouTube

Makikita nga sa isang video vlog na ibinahagi ng aktres, ang pagiging isang ganap na islander ng kanyang anak na si Lilo, dahil sa ang bonding moment nga nito kasama ang kanyang ama na si Philmar ay ang pagtatampisaw sa tubig dagat at minsan pa nga ay nagkakaroon din sila ng surfing session.

Image Credit vis YouTube

Marami sa atin ang nakababatid na si Philmar, ay isang sikat at popular professional surfer na ilang beses na ring nagkampeon sa nasabing larangan. May isa pang video clip kung saan ay makikita na kasa-kasama ni Philmar ang anak niyang si Lilo na tila nga walang takot na nakikisabay sa alon ang munting paslit, na parang sanay na sanay na rin itong makipagsabayan sa alon ng dagat.

Image Credit vis YouTube

Video Credit: Happy Islanders/YouTube

Matatandaan na naoong nakaraang buwan ng Hunyo taong 2020, nang si Lilo ay 10-month old pa lamang, ay isinama na siya ng kanyang amang si Philmar sa page-surf. Kitang-kita naman na ang mag-ama ay masaya sa bonding nilang surfing, at enjoy na enjoy nga si Lilo sa paglalaro ng dagat habang ito ay nakasakay sa surfing board.




Si Philmar Alipayo ay kilala ngayon bilang katuwang sa buhay ng aktres na si Andi Eigenmann. Silang dalawa ay engaged na, at mayroon nang ang dalawang anak na si Lilo at Koa.

Maliban sa pagiging partner ni Andi, ay kilala rin si Philmar bilang isang professional surfer na ginawaran na noon bilang 6th placer sa men’s short Board Division of the Philippine Surfing Championship Tour (PSCT), ang kauna-unahan at nag-iisang surfing tournament sa ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *