Anak Ni Gretchen Barretto Na Si Dominique Cojuangco Muling Nakapagtapos Sa Isang International Degree Na May Karangalang Magna Cum Laude

Muling nagtapos ng isang international degree si Dominique Cojuangco, ang unica hija ng aktres na si Gretchen Barretto at parter nitong business magnate na si Tony Boy Cojuangco.




Ayon sa naging ulat, ay pangalawa na ito sa naging pagtatapos ng dalaga sa kolehiyo sa ibang bansa, at sa pagkakataon pa ngang ito ay isang mataas na karangalan ang nakuha ni Dominique, dahil sa natanggap niya ang parangal bilang Magna Cum Laude.

Photo Credit: dominique/Instagram

Makikita sa Instagram account ni Dominique, ang naging pagbabahagi niya ng kanyang mga larawan, na tila kinunan sa mismong araw ng kanyang naging pagtatapos dahil sa siya’y nakasuot ng itim na toga.

Photo Credit: dominique/Instagram

Kalakip ng larawan na ito ng dalaga, ay ang kanyang naging caption na;
“FIDM Graduation live done. Magna Cum Laude, but fell a bit short of the Cyril Magnin Award.”

Photo Credit: dominique/Instagram

Ang dalaga ay nagtapos muli ng panibagong degree sa San Francisco, California, kung saan ay kinuha niya ang kursong Associate of Arts in Merchandising and Marketing sa Fashion Institute of Design and Merchandising (FIDM).

Photo Credit: dominique/Instagram

Ito na nga ang pangalawang kurso na natapos ng dalaga, dahil noong taong 2017 ay una na niyang nakamit ang kanyang diploma. Kung saan ay nag-aral siya sa isang prestihiyosong fashion school sa London sa Instituto Marangoni, kung saan kinuha niya ang kursong Fashion Design.

Photo Credit: dominique/Instagram

Sa naging pagtatapos ngang muli na ito ni Dominique, ay talaga namang proud na proud ang kanyang ina na si Gretchen Barretto, at makikita nga sa comment box ng post ng dalaga, ang naging pagbati sa kanya ng ina.

Photo Credit: dominique/Instagram

“Thanks for a lovely breakfast my baby love congratulations.” Maliban pa rito, ay makikita rin na ilang mga kaibigan ni Dominic sa showbiz, ang nagpa-abot ng pagbati sa kanyang naging pagtatapos. At isa na nga sa mga ito, ay ang kanyang kaibigang TV host-actress na si Ria Atayde, na nagkomento ng “Proud of you, always.”

Makikita naman ang naging tugon ni Dominique kay Ria, kung saan ay ibinahagi nito ang kanyang naging pasasalamat sa ibinigay nito sa kanya na cap at toga.
“@ria, thank you for my cap and gown.”




Samantala, matatandaan naman na noong buwan ng Enero ng taong ito (2020), ng ibahagi ng aktres na si Gretchen Barretto ang larawan ng diploma ng kanyang unica hija.

Maliban pa nga sa naging pagbabahagi ni Dominique ng kanyang muling pagtatapos ng panibagong kurso sa Amerika, ay makikita sa Instagram account ng dalaga, ang kanyang naging pagbabahagi ng naging buhay niya sa nasabing bansa, sa kabila ng pagkakaroon ng krisis..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *