Anak Ni Janice de Belen at John Estrada Agaw-Pansin Dahil Sa Kanyang Taglay Na Kagandahan

Matatandaan na isa sa mga kinakiligang showbiz couple noong dekada 90 ay ang dating mag-asawang sina Janice de Belen at John Estrada na ikinasal noong taong 1992. Ngunit ang matamis na pagmamahalan ng dalawa ay nagwakas noong taong taong 2001 ng sila nga ay magdesisyon na maghiwalay.




Ang mag-asawa ay nagkaroon ng mga anak, at ang pinaka-una nga nilang naging supling ay ang 29-taong gulang na ngayon na si Inah de Belen na isinilang noong ika-23 ng Enero taong 1992.

Photo Credit: inah/Instagram

Sinundan ni Inah ang yapak ng kanyang mga magulang, kung saan ay pinasok rin niya ang mundo ng showbiz at ngayon nga tulad ng kanyang mga magulang ay ipinapamalas na rin ng dalaga ang kanyang husay sa pag-arte.

Photo Credit: inah/Instagram

Makikita sa mga larawan ni Inah na namana niya sa kanyang mga magulang ang pagka-artistahin looks, lalo na at siya ay mayroong mala-anghel sa gandang mukha.

Photo Credit: inah/Instagram

Nabihag ng dalaga ang puso ng aktor na si Jake Vargas, at sa kabila ng parehong nasa mundo sng showbiz ang magkasinatahan ay napanatili nila ang tatag ng kanilang relasyon, kaya naman ngayon ay nasa 4 taon na silang masayang nagmamahalan.

Photo Credit: inah/Instagram

Bagama’t hiwalay na bilang mag-asawa sina Janice at John, ay patuloy naman nilang ginampanan ang pagiging mabuting magulang sa kanilang mga anak.

Photo Credit: inah/Instagram

At ngayon nga na ang panganay na anak nilang si Inah ay napapabalita na tila may plano ng magpakasal sa nobyo nito, malungkot man bilang isang ama ayon kay John ay suportado niya anuman ang magiging desisyon ng kanyang anak basta sa ikaliligaya nito.

Photo Credit: inah/Instagram

Samantala, ayon naman kay Inah dahil nasa tamang edad na rin sila ng nobyo, ay paminsan-minsan ay napag-uusapan na rin umano nila ang kasal. Ngunit saad niya ay tila hindi pa napapanahon dahil marami pa silang mga bagay na nais gawin sa kani-kanilang mga buhay.

“To be honest, of age na kami ni Jake talaga for stuff like that. Napapag-usapan na namin but marami pa kasi kaming gustong gawin”, ang naging pahayag ng dalagang anak nina Janice at John.

Kamakailan nga lamang ng ipinagdiwang nina Inah at Jake ang ika-4 na anbersaryo nila bilang magkasintahan. At makikita nga sa Instagram account ni Inah ang naging pagbabahagi niya ng mga sweet photo nila ng nobyo, kung saan ay masasabi nga kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.




Sa kabila naman ng napag-uusapan na nga nila ang kasal, ay mas prayoridad pa rin muna ngayon ng dalawa ang pausbungin pa ang kani-kanilang karera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *