Anak Ni Jeric Raval Na Si AJ Raval Isa Sa Mga Sisikat At Magiging Matagumpay Sa Showbiz Ngayong Taong 2021

Ayon sa mga ulat, tila isa sa mga baguhang bituin ngayong taon sa showbiz na talagang sisikat at uusbong ang karera ay ang dalagang anak ng action star Jeric Raval, na si Aj Raval.




Nito nga lamang nakaraan, ay ipinakilala na si AJ bilang isa sa mga magiging karakter na aabangan sa pelikulang “Paglaki ko, gusto ko maging #Porstar”, kung saan ito ay mapapanood na simula sa ika-29 ng Enero.

Photo Credit: ajravsss/Instagram

Ang pelikulang ito, ay isa umano sa mga initial presentation ng VIVAMAX, ang subscription video-on-demand streaming ng Viva Communications, Inc.

Photo Credit: ajravsss/Instagram

Nang ipalabas nga ng trailer ng Porstar, ay agad na napansin ng mga viewers si Aj, ito ay dahil umano sa malakas na screen presence ng dalagang aktres.
Hindi nga maikakaila na ang taglay na karisma ni AJ, ay nakuha niya sa kanyang amang si Jeric Raval.

Photo Credit: ajravsss/Instagram

Marami naman ang nagkaroon agad ng interes na malaman pa ang ilang detalye tungkol sa buhay ni AJ Raval, maliban pa nga sa pagiging isang anak nito ng action star.

Photo Credit: ajravsss/Instagram

Akala ng marami ay si Monica Herrera ang ina ni AJ Raval, ngunit hindi, dahil ang ina ni AJ, ay ang dating sexy star na si Alyssa Alvarez, na gumawa ng mga pelikula noong dekada ‘90.
Ngunit sino nga ba talaga si AJ Raval? At ano pa ang maari pa nating malaman patungkol sa kanyang personal na buhay.

Photo Credit: ajravsss/Instagram

Elizabeth Buensucezo, yan ang tunay na pangalan ni AJ Raval. Tapos na siya sa kanyang pag-aaral ng high school, at plano niya na ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral kapag natapos na ang krisis.

Photo Credit: ajravsss/Instagram

Sa isang exclusive interview nga ng Cabinet Files kay AJ, ay ibinahagi ng dalaga, ang naging pagsisimula niya sa kanyang showbiz career. Napag-alaman natin sa panayam na ito ng dalagang aktres, na ang controversial talent manager na si Jojo Veloso manager nito.

Photo Credit: ajravsss/Instagram

Bago pa nga umano napasok sa Viva si AJ, ay naging miyembro muna siya noon ng “The Fabulous Girlfriends”, noong siya ay 15-taong gulang pa lamang. Ang nasabing grupo, ay isang all girl sing-and-dance group, na binuo ni Veloso.

Photo Credit: ajravsss/Instagram

Ibinahagi rin ni AJ, kung gaano siya kasaya, dahil sa agad siyang napansin ng publiko sa naging wacky trailer ng pelikulang “Porstar.” “Sobrang saya ko at napansin ako dahil marami ang mga baguhan tulad ko ang nangangarap ng ganitong pagkakataon”, ani AJ Raval.

“Kahit papano unti-unting nagkakaroon ng katuparan ang mga pinaghirapan ko”, dagdag pa nito. Kwento pa ni AJ, nai-inspire siya na mas lalo pang galingan ang kanyang acting, dahil sa mga beteranong mga aktres at aktor ang kanyang kasama sa nasabing pelikula. Ilan nga sa mga ito ay sina, Miss Alma Moreno, Rossana Roces, Ara Mina, at Maui Taylor.

Dagdag pa ni AJ, pinayuhan rin siya ng mga ito, ng mga dapat niyang gawin, upang tumagal siya sa indutsriya, at ang pinakamahalaga nga umano, ay ang maging professional siya, ang maging on-time lagi sa set at makabisado ang kanyang mga dialogue.




Isa pa nga umano sa pinaka-importanteng payo sa kanya, ay ang magbigay siya ng respeto sa kanyang ga katrabaho. Samantala, maliban nga sa Porstar, ay naiulat din na magiging leading lady ng actor na si Diego Loyzaga si AJ, at ito nga ay sa magiging comeback movie nng aktor na may titulong “Loving Cristine”.

Nagsimula na ring mag-taping si AJ sa magiging pagpasok niya sa “Ang Probinsiyano”, kung saan naman ay pagiging isang pulis na makakalaban ng grupo ni Cardo ang kanyang magiging karakter.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *