Anak Ni Ruffa Gutierrez Na Sina Lorin At Venice Nakilala At Nakasama Si Ilknaz Bektas Ang Half-Sister Nila Sa Kanilang Ama

Kamakailan nga lamang ay naging laman ng social media ang heartwarming na reunion ng magkapatid na Lorin at Venice Gutierrez sa kanilang Turkish na ama na si Yilmaz Bektas. Ang mag-aama nga ay nagkaroon ng nakaka-touch na moment sa airport, ngunit maliban pa pala sa muling pagkikita at pagkakasama ng Gutierrez sibs sa kanilang ama, ay nakilala rin nga nina Lorin at Venice ang half-sister nila na si Ilknaz Bektas.




Matatandaan na nito lamang nakaraan ay lumipad patungong Turkey ang magkapatid na Lorin at Venice, ito ay upang makita at makasama nga nila ang kanilang amang si Yilmaz Bektas, matapos ang halos 15-taon nga nilang pagkakawalay rito.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Makikita naman sa naging update ni Ruffa Gutierrez ang ina nuna Lorin at Venice ang naging pagbabahagi nga niya ng heart-wrenching na reunion ng kanyang mga anak sa ama ng mga ito habang nasa airport. Ngunit hindi lamang nga dito nagtatapos ang mga magagandang moments ng magkapatid sa naging bakasyon nilang ito, dahil maliban pa nga rito ay isa pa din sa talagang na-enjoy nila ay ang nakita, nakasama at nakilala nila ang kanilang half-sister.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Samantala, sa update nga ni Lorin sa kanyang Instagram account ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng mga larawan nila ni Venice at Ilknaz ng naging pamamasyal nila sa iba’t ibang mga lugar. Sa mga larawan ng ana ibinahagi ni Lorin ay hindi mawawala ang kanilang mirror selfie, kung saan marami sa mga netizens ang kaagad na nakapansin ng kagandahang taglay nilang magkakapatid.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Sa Instagram naman ni Ilknaz Bektas ay nagbahagi siya ng isang post kung saan ay inilahad niya na isa nga sa mga pinakamasayang araw sa kanyang buhay ay ang araw na nakilala at nakasama niya ang kanyang mga kapatid na sina Lorin at Venice Gutierrez.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

“I think today is the happiest day of my life [blue heart emoji]”, saad ni Ilknaz sa kanyang caption kung saan ay kalakip nito ang larawan niya kasama ang mga kapatid niyang sina Lorin at Venice.

Ang ina naman nina Lorin at Venice na si Ruffa ay nagpahayag din ng kanyang kasiyahan para sa naging pagkakilala at pagkikita ng kanyang dalawang anak at ang half-sister nga ng mga ito. Hiling nga ng aktres ay ang sana’y mag-enjoy ang magkakapatid sa company ng isa’t isa.




“Have fun, girls [three red heart emoji]”, ani Ruffa sa kanyang post.
Kahit pa nga unang beses pa lamang na nagkita at nagkasama ng Gutierrez Sibs at ni Ilknaz Bektas, at sa kabila ng magkaiba sila ng Mommy, ay hindi naman kinakitaan ng awkwardness sina Lorin, Venice at Ilknaz sa isa’t isa sa kanilang naging pagkikita at pagkakasama. Sa katunayan ay tila nga matagal ng magkakakilala ang mga ito dahil sa sobrag kumportable at saya nila sa kanilang naging bonding na magkakapatid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *