Anak Ni Willie Revillame Na Si Meryll Soriano Ibinunyag Kung Gaano Kayaman At Elegante Ang Kanyang Ama

Alam ng marami sa atin na ang 58-taong gulang na variety show host na si Willie Revillame ay isa sa pinakamayamang personalidad sa industriya ng showbiz.




Marami din sa atin ang nakaka-alam na si Willie ay nagsimula sa pinaka-baba bago niya naabot ang narating na kaunlaran sa buhay niya ngayon.

Image Credit via Google

Hindi naman kataka-taka na sa lahat ng pagpupursige ni Willie ay anihin niya ngayon ang sobra-sobrang biyaya dahil kahit pa umangat na ang estado niya sa kanyang buhay ay napanatili niya ang kababaihan ng kanyang loob at pagiging matulungin at mapagbigay pa rin sa kapwa.

Image Credit via Google

Ngunit kahit pa nga alam na natin na pinakamayaman na ni Willie, ay wala naman tayong ideya kung gaano na nga ba ito kayaman.

Sa naging pagbabahagi ng anak niyang si Meryll ng isang video sa social media account nito, ay tila nagkaroon tayo ng ideya kung gaano na nga talaga kayaman ang kanyang ama.

Si Meryll Soriano, ay anak ni Willie sa kanyang naging partner noon na si Bec-Bec Soriano, at sa video nga na inilabas nito ay hindi lang niya tayo binigyan ng ideya kung gaano kayaman ang kanyang ama kundi inilahad din nito kung gaano ito kabait at mapagbigay, higit sa kanyang pamilya.

Ayon kay Merrill, isa sa mga pinakamahal na ari-arian ng kanyang ama ay ang nabili nitong private airplane. Ayon sa ilang source ang Dornier 328 private jet na ito ni Willie ay nabili niya noong taong 2011, na nagkakahalaga ng Php 200 milyong piso.

Ibinulgar din ni Meryll ang iba pang mga mamahaling ari-arian o sasakyan na pag-aari ng kanyang ama. At narito nga ang ilan sa ari-arian ni Willie katumbas ang nakakalulang presyo ng mga ito.

FERRARI 458 SPIDER – around 12 Million

Image Credit via Google

MERCEDES-BENZ SLS AMG – 18 Million

Image Credit via Google

ROLLS-ROYCE GHOST – 18 Million

Image Credit via Google

MV WOW CRUISER I – 80 Million

Image Credit via Google

ROBINSON R44 – 35 Million

Image Credit via Google

ROBINSON R66 – 97 Million

Image Credit via Google

Maliban pa nga sa mga ito, isa din si Willie Revillame sa may-ari ng Wil Tower, isang 38 storey commercial building na matatagpuan sa Quezon City. Batid din ng marami sa atin na kapartner o kasosyo niya sa Wil Tower ang dating Senador na si Manny Villar.

Ibinahagi rin ni Meryll ang isang pangyayari na magpapatunay kung gaano mapagbigay ang kanyang ama, at ito ay ng minsang tawagan niya ito upang ipaalam na kung maaari ay mahiram niya ang isang sasakyan nito upang magamit niya sa pagpunta niya sa taping.

Sinabi nga ng kanyang ama na pumunta siya sa bahay nito, at sa kanyang pagka sorpresa ay imbis ipahiram sa kanya ang sasakyan nito ay nagpunta sila sa isang kilalang tindahan ng mga mamahaling sasakyan at on the spot ay binilhan agad siya nito ng sarili niyang sasakyan.

Ngunit ayon pa rin kay Meryll, kahit pa nga sobrang yaman na ng kanyang ama ay hindi naman siya nito pinalaki na sobrang spoiled.




Sinabi din ni Meryll na nais ng kanyang ama na lumaki siya na marunong magbanat ng buto, at kumita sa sarili niyang paraan, magka-ganon man ay inamin din niya na hanggang ngayon kahit kumita na siya at may anak na siya ay nagbibigay pa rin ng allowance sa kanya ang kanyang ama at pati na rin sa kanyang anak.

Pagdating naman sa buhay pag-ibig ng kanyang ama ay wala namang nabanggit si Meryll, basta para sa kanya ay pinagkakatiwalaan niya ang ama pagdating sa mga ganitong bagay.
Sa ngayon nga ay muling bukas si Willie pagdating sa Love, kaya naman sa kanyang show ay naglabas siya ng bagong segment na search for the right one.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *