Anak Nina Andi Eigenmann At Philmar Alipayo Nagpakitang Gilas Sa Pagsasanay Ng Surfing

Ang mga batang edad isa hanggang tatlong taong gulang ay masasabi nga natin na ito na ang ‘stage’ kung saan ay talagang nahuhumaling na sila sa mga laruan, at tila nga wala na sa ilang kapaguran sa paglalaro. Laro dito, laro doon, at madalas ngang kasama ang kanilang mga laruan na nagpapasaya sa kanila, ganito nga natin kung ilalarawan ang mga batang nasa edad isa hanggang tatlo.




Ngunit, ibahahin nga natin ang anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo, dahil sa murang edad nito, ay hindi nga mga laruang pambata ang kinahihiligan nito, kundi ang naging libangan nga niya ay ang pagse-surfing.

Photo Credit: chepoxz/Instagram

Tila nakuha nga ni Lilo ang hilig at husay ng kanyang ama sa pagsi-surfing, dahil sa video na ibinahagi ng aktres na si Andi Eigenman noon lamang ika-17 ng Hunyo, araw ng Linggo, ay makikita nga ang naging pagpapakitang gilas ng island girl na si Lilo habang siya ay mag-iisang nag-eensayo ng surfing.

Photo Credit: chepoxz/Instagram

“Lilo surfer girl. Flat seasons means getting the littles out in the water as much as possible, and allowing them to get themselves stares in surfing”, ang naging caption ni Andi sa IG post niyang ito.

Photo Credit: chepoxz/Instagram

Kahit malayo nga si Andi ng ilang metro sa kanyang anak na si Lilom ay makikita nga ang suporta ng aktres sa bagong achievement ng kanyang anak. Samantala, sa Instagram post naman ni Philmar ay ibinahagi naman niya ang larawan nila ni Lilo, kung saan ay makikita naman silan mag-ama na parehong nagpapakitang gilas sa pagsi-surf dahil sila ay magkasama ngang nakatayo sa surfing board habang nakikipagsabayan sa mga alon.

Photo Credit: chepoxz/Instagram

Mapapansin din sa naturang larawan na walang anumang bakas ng takot si Lilo, at ang masisilayan nga ay ang mga ngiti nito na patunay na ine-enjoy niya talaga ang pagsakay sa surfboard. Siyempre, makikita rin ang naging pag-alalay sa kanya ng ama niyang si Philmar na tila nga ginagabayan at tinuturuan din siya kung paano ang tamang pagtayo sa surfing board.

Photo Credit: chepoxz/Instagram

Talaga namang nananalaytay sa dugo ng mga anak nina Andi at Philmar ang pagkahilig sa surfing, at ito ay hindi naman nakapagtataka sapagkat si Philmat Alipayo nga ay kilala bilang isang champion at professional surfer sa ating bansa.




Hindi naman naiwasan ng maraming mga netizens ang kabiliban ang galing at husay na ipinapamalas ni Lilo sa pagsi-surf sa kanyang murang edad. “Wow Lilo, you are going to be a great surfer just like your Daddy.” “Sweet galing naman” “Ang galing naman ni Lilo.”
“This is so cute….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *