Anak Nina Richard Gomez At Lucy Torres Na Si Juliana Pinag-uusapan Ngayon Dahil Sa Boyfriend Umano Na Isang Olympic Bound National Athlete

Pinag-uusapan ngayon online ang nag-iisa at dalaga ng anak ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres na si Juliana Gomez, 20-taong gulang. Kung saan ay maraming mga netizens ang nagtatanong, kung ang dalaga ba ay may boyfriend na, at ito ay isang national athlete?




Ang ama ni Julia Gomez, na si Richard Gomez ay isang dating aktor, at ngayon ay tumatayong Mayor ng ormoc City, at ang kanyang ina namang si Lucy Torres naman ay isang 4th District Representative ng Leyte.

Image Credit via Google

Hindi nga napigilan na magtanong ng mga netizens patungkol sa usaping ito, ng maibahagi sa social media ang larawan ni Juliana at ng isang non-showbiz guy kung saan makikita na tila sweet na sweet ang dalawa.

Image Credit via Google

Sa Instagram account ng isang Miggy Bonnevie -Bautista nakitang naka-post ang ilang mga sweet photos niya kasama si Juliana. At sa tatlong series of photo nan ai-post, ay makikita ngang nakaupo ang dalawa sa sofa.

Image Credit via Google

Isa sa mga larawan, ay makikita ang lambingan ng dalawa kung saan ay nakahalik si Miggy sa braso ni Juliana, habang pinagmamasdan ito ng dalaga.

Image Credit via Google

Sa isang larawan naman, ay kapansin-pansin ang pagiging kumportable ng dalawa sa isa’t isa, kung saan habang nakaupo sa sofa, ay kitang-kita ang pagkakadikit nila, at magkatitigan pa.

Makikita naman sa comment box ng larawan na ibinahagi ni Miggy ang naging komento ni Juliana, na isang simpeng finger cross at heart emoji, na sinagot naman ng isang kissing emoji ni Miggy.

Sa iba pa ngang mga larawan ni Miggy sa kanyang IG account, ay makikita rin na noong ika-26 ng Diyembre 2020, ay may ibinahagi rin siyang larawan nilang magkasama ni Juliana,kung saan naman ay magkatabi silang nakatayo habang may hawak na inumin.

Si Miggy ay isa umanong athlete at nag-aaral sa Ateneo de Manila, siya ay miyembro rin ng Philippine National fencing team, ito nga ay base sa identification ng binata sa kanyang IG. “Olympic bound”, ang description pa nga ni Miggy sa kanyang Instagram account.
May ulat naman na nagsasanay umano si Juliana ng fencing, kaya tila lumalabas na parehong fencer ang dalawa.

Tila nalalaman naman ng ama ni Juliana na si Richard ang status ng anak niya at ng athlete na si Miggy, dahil lumalabas na magkasama ang dalawa sa training sa fencing kung saan si Richard ang current president ng Philippine Fencing Association.




Naiulat naman na noon pang 2018 ay miyembro na ng Philippine Fencing team si Miggy, at siya ay nanalo na ng bronze medal sa U17 division ng National Swiss Cadet Competition na ginanap sa Fribpurg, Switzerland.

Parehong taon din ng masungkit ni Miggy ang gold medal sa individual juniors epee competition ng Philippine National Junior and Cadet Fencing Championship.
Wala pa namang paglilinaw si Juliana, kung siya nga ay in-a relationship na ngayon sa nasabing atleta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *