Kilalanin Ang Napaka-Talentadong Anak Ng Komedyante Na Si Jose Manalo

Karamihan sa mga artista ngayon ay nagmula sa angkan ng mga kilalang pamilya kung saan sa pamamagitan ng apelyido nila, nagagawa nilang makapasok sa industriya at gumawa ng sarili nilang mga kasaysayan. Ngunit minsan, may ibang mga artistang piniling magsumikap sa kabila ng pagiging kabilang sa isang kilalang pamilya, pinili nilang bumuo at gumawa ng sarili nilang pangalan sa industriya.


Image courtesy from Google


Image courtesy from Google




Katulad na lamang ng artistang ito. Lingid sa ating kaalaman, may anak na artista ang komedyante, aktor, at isa sa mga host ng Eat Bulaga na si Jose Manalo. Kilalanin natin si Benj Manalo. Hindi na bago sa harap ng maraming tao si Benj, bago pa man siya maging artista, isa na siyang aktor sa teatro. Bagama’t artista na, nagagawa niya pa ring pagsabayin ang dalawa nang hindi napapabayaan ang isa.


Image courtesy from Google


Image courtesy from Google

 

Hindi na rin naman natin maipagkakaila kung kanino niya namana ang kanyang talento sa pag-arte. Saan pa nga ba, diba? Maliban sa pag-arte, magaling din sumayaw si Benj at syempre, magpatawa. Sa kasalukuyan, may sarili nang pamilya si Benj kung saan ikinasal siya kay Lovely Abella. Mahilig rin siyang magbahagi ng mga nangyayari sa kanilang buhay bilang isang pamilya sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.


Image courtesy from Google

Sa katunayan, nitong nakaraan lamang ay nagdiwang sila ng kanilang ika-3 anibersaryo ng kasal kung saan ibinahagi niya sa mga netizens ang kanyang pagmamahal sa kanyang asawa. “I wanna thank God for bringing you in my life, 3 years full of love, joy, memories, laughter at kung ano ano pa! Excited ako sa mga susunod na taon natin mahal, this year we stepped another notch higher in our life pero excited ako kasi kasama kita mabubuo ang pangarap natin.”


Image courtesy from Benj_Manalo/Instagram


Image courtesy from Google


Image courtesy from Abs Cbn Network

Makikita si Benj sa palabas ng ABS-CBN na Ang Probinsyano. Dito, nagkaroon siya ng pagkakataong maipamalas ang kanyang galing sa pag-arte bilang pagganap sa karakter ni Pinggoy. At dahil mahilig sa teatro, nakasali na rin siya isang musical na Rak of Aegis.


Image courtesy from Google


Image courtesy from Google


Image courtesy from GMA/facebook account

Bagama’t anak ng isang kilalang aktor at komedyante, hindi niya ito ginagamit para lamang maging sikat. Ni hindi niya nga sinabi kung gaano kasikat ang kanyang tatay. Bagkus ay gumawa siya ng kanyang sariling pangalan sa industriya. Pinapalago niya ang kanyang sariling karera sa pamamagitan ng kanyang sariling pagsisikap. Malamang, malayo ang mararating ni Benj.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *