Andi Eigenmann At Jake Ejercito Magkasamang Ipinagdiwang Ang Ika-walong Kaarawan Ng Kanilang Anak Na Si Ellie

Noong November 8, 2019 ay ipinagdiwang nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito ang ika-walong kaarawan ng kanilang anak na si Ellie. Sa paaralan kung saan nag-aaral si Ellie, ipinagdiwang ang kanyang kaarawan na kung saan muling magkasama ang kanyang mga magulang na sina Jake at Andy.

Photo Credit: andieigengirl/Instagram




Sa kabila ng kanilang pagiging busy sa kanya-kanyang mga buhay at pagkakaroon ni Andy ng kanyang bagong pamilya ay nagawa ng dalawa na bigyan ng oras na dumalo sa kaarawan ng kanilang anak na si Ellie at ipinagdiwang ito ng maayos at masaya.

Photo Credit: andieigengirl/Instagram

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Jake ang mga larawan sa naganap na birthday party ni Andy sa paaralan nito. Makikita ang larawan nilang tatlo na kung saan bakas sa mga ngiti ni Ellie ang kasiyahan na makasama ang kanyang mga magulang sa kanyang kaarawan.

Photo Credit: andieigengirl/Instagram

Makikita rin ang napakagandang Unicorn cake na inihanda para sa kaarawan ni Ellie. Naroon rin sa pagdiriwang ang anak ni Andy sa kanyang partner ngayon na si Philmar Alipayo.

Photo Credit: andieigengirl/Instagram

Marami pa nga ang mga larawan na makikita sa Instagram ni Jake, mga larawan nila ng anak na si Ellie na kung saan sila ay nag bonding.

Ang ibang netizens naman ay hindi maalis na purihin at maging masaya dahil sa kabila ng hindi na magkasama sina Jake at Andy ay hindi naman nila napapabayaan ang kanilang anak na si Ellie. At sa mga pagkakataon nga na ganito, katulad ng kanyang kaarawan ay ginagawa ng dalawa ang lahat upang mapasaya ang kanilang anak.

Photo Credit: andieigengirl/Instagram

May mga larawan din na nagbigay ng komento ang ibang netizens na kung saan ay sinabi nila na bagay parin talaga sina Ellie at Jake, na may chemistry pa rin sa kanilang dalawa.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens.




“sila pa rin talaga bagay pero kung saan ang happiness doon na lang tayo.”
“Grabe chemistry nila together kaso di naman pwede ipilit. Sayang.”
“cute!! And good job mom and dad! Co-parenting is the way!!!Kahit nga naman hindi na magkarelasyon sina Andy at Jake, ang pagiging magulang naman nila sa kanilang anak na si Ellie ay hindi mapapantayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *