Andi Eigenmann Ibinahagi Kung Paano Siya Na-Inlove Sa Kanyang Partner Ngayon

Matatandaan na noong taong 2018, inamin ng aktres na si Andi Eigenmann ang kanyang relasyon sa isang professional surfer na si Philmar Alipayo. Sa pag-amin niyang ito noon, ay marami naman ang hindi makapaniwala, kung saan ay nagtaasan pa nga ang ilang mga kilay ng iba sa mga ito.




Marami nga ang nagsasabi, na halos langit at lupa ang dalawa dahil na rin si Andi ay kilala bilang anak ng mga sikat na artista at namumuhay sa isang marangyang pamilya samatalang si Philmar naman ay kabaliktaran nito.

Photo Credit: andieigengirl/Instagram

Tunay ngang marami ang nagtatanong kung paanong ang isang tulad ni Andi Eigenman na lumaki sa isang marangyang buhay, ay nagmahal ng isang island native sa katauhan ni Philmar Alipayo.

Photo Credit: andieigengirl/Instagram

Ngayong taon nga naman, ay talagang pinatunayan nina Andi at Philmar na kahit gaano pa magka-iba ang mundong kinalakihan nila ay pwede silang maging masaya sa piling ng isa’t isa at ang patunay nga nito ay ng mag-settle silang dalawa ng simpleng buhay sa isla ng Siargao.

Photo Credit: andieigengirl/Instagram

Sa unang pagkakataon naman, ay ibinahagi ni Andi ang ilan sa mga detalye patungkol sa relasyon nila ngayon ng kanyang partner at sinagot din niya ang ilang nakaka-intrigang tanong kung paano nila hina-handle ang kanilang relasyon sa kabila ng pagkaka-iba nila sa isa’t isa.

Photo Credit: andieigengirl/Instagram

“I didn’t think that the relationship I was getting into was so uncommon,” saad nga ng aktres.

“As soon I was posted it on social media, it was inevitable for us to get negative criticism, because ‘were not bagay’, or because I’m maganda and I come from a high profile family and he was just a person from the island, “ dagdag pa nga ng aktres.

Sinigurado din ni Andi kay Philmar, na hindi niya tinitingan ang katayuan nito sa buhay o kung ano ang kaya o hindi nito kayang ibigay sa kanya.

“But I always tell him, “You’re not just a person from the island, you’re the richest person I know, because..” saad pa ng aktres na hindi na nga naituloy dahil sa pinipigilan nito ang pagtulo ng kanyang luha.

Para rin kay Andi, hindi basehan ang future ng isang tao para masabi mong ito ang tamang tao para sayo. “The right man for you shouldn’t be measured by how secure his future is or what can he give you. I can give that to myself.”

“All that matter to me is that he has ambition, he has dreams , and we can work on it together.” Ibinahagi din ni Andi na wala ngang makakapantay sa kung ano man ang nabuo nilang pagsasamahan at pagmamahalan ni Philmar.




“I connected with him as I did with nobody else – with any of those they said I was “bagay”with.” “I know that a lot of people can relate to what I went through.”
“Making that decisions to be brave and ignore the hate from everybody else turned out well for me,”dagdag pa nga nito.

Ngayon ay patuloy ang masayang pagsasama ng dalawa sa isang simple at tahimik na buhay sa isla ng Siargao. Mayroon na rin silang anak na pinangalanan nilang Keliana Alohi o baby Lilo, at kasama rin nila dito ang unang anak ni Andi na si Ellie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *