Andrea Brillantes At Ricci Rivero Muling Nakatanggap Ng Samu’t Saring Reaksyon Matapos Ibahagi Ang Kanilang Naging Grocery Date

Ang magkasintahang sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero ay isa lamang sa mga celebrity couple ngayon na talaga namang pinag-uusapan ng marami. At nito nga lamang nakaraan ay muli na naman ngang pinutakte ng mga netizens ang sweet moments ng dalawa.




Viral kasi ngayon sa social media ang naging grocery date nina Andrea at Ricci, ito ay matapos ngang makabalik ng magkasintahan sa lungsod matapos ang kanilang naging masayang bakasyon sa isla ng Siargao kasama ang kanilang mga kaibigan.

Image Credit via Google

Tila naman talagang hindi mapaghiwalay ang dalawa, dahil sila nga ay muling namataan na magkasama sa isang grocery, at magkasamang namimili. Katulad ng ilang mga magkasintahan, hindi naman talaga nawawala kana Andrea at Ricci ang maglambingan sa tuwing sila ay magkasama, kaya naman kahit na nga nag-go-grocery ay sweet na sweet pa rin ang dalawa.

Image Credit via Google

Makikita kasi sa online ngayon ang ilang mga larawan ng magkasintahan habang sila nga ay nag-grocery date, at isa na nga sa mga naging agaw-pansin sa mga netizens na larawan ng dalawa, ay ang larawan kung saan makikita ang Kapamilya actress na nakasakay sa push cart habang ito nga ay tulak ng ng nobyo niyang si Ricci.

Image Credit via Google

Para sa magkasintahan ang moment nga nila na ito sa kanilang grocery date ay isa na naman sa mga masayang araw na magkasama sila na talaga namang kanilang ite-treasure, ngunit sa kabila nga nito ay tila may ilang mga netizens naman na hindi nagustuhan ang ginawang ito ng dalawa.

Ang mga larawan nga na ito ng magkasintahan ay nakatanggap ng samu’t saring reaksyon at komento mula sa mga netizens. May iba na patuloy ngang bina-bash ang dalawa, ngunit mayroon din namang mga netizens na ipinagtanggol ang magkasintahan.
Narito nga ang ilan sa mga komento at reaksyon ng mga netizens;

“pag bata sinakay sa ganyan sisitahin. So, ang pwede pala isakay diyan yung isip bata.”
“kaya lalo kayong iniinis ni Blythe kasi lahat ng kilos niya binabantayan niyo. Dapat move on na kayo mga bashers ni Andrea, buhay niya ‘yan wala na kayong paki.”




“pag kami maglalagay ng bata sa cart lapitan pa ng guard paalisin ang bata.. pag artista kahit isip bata okay lang?” Tila nga talagang hindi pa nagsasawa ang mga netizens na subaybayan ang buhay ng magkasintahang sina Andrea at Ricci, at bawat galaw nga ng dalawa ay talagang nakaabang ang marami, lalo na nga ang kanilang mga bashers.

Hindi naman nagpapaapekto ang aktres na si Andrea Brillantes sa kung ano mang pangba-bash sa kanya, at pinipili na lamang nito na i-enjoy ang buhay niya ngayon lalo na ang relasyon nila ng nobyo niyang si Ricci.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *