Andrea Brillantes Masayang Ibinahagi Ang Bagong Bahay Bunga Ng Kanyang Puyat, Pagod At Pagsisikap Bilang Isang Artista

Lahat ng pangarap, basta’t pinagsisikapan at pinag-iipunang matupad, ay magiging posible sa takdang panahon. Ito nga ang pinatunayan ng aktres na si Andrea Brillantes, matapos niyang ibahagi sa lahat, na sa ilang taong pangangarap at ginawang pag-iipon, sa wakas, ngayon ay natupad na niya ang matagal na niyang pinapangarap na bahay, para sa kanyang pamilya.




Sino ngang mag-aakala na sa edad na 17-taong gulang ng aktres na si Andrea Brillantes, ay matutupad nito ang matagal na niyang pinapangarap na sariling bahay para sa kanyang pamilya.

Photo Credit: blythe/Instagram

Ayon nga kay Andrea, ay katuparan ng pangarap niyang ito, ay bunga ng kanyang pagsusumikap at kasipagan sa kanyang trabaho bilang isang mahusay na artista.

Photo Credit: blythe/Instagram

Minsan ng ibinahagi ni Andrea Brillantes noon na baguhan pa lamang siya sa showbiz, ay talagang pangarap na niya ang magkaroon ng sarili niyang bahay. Ito ay dahil nga sa dahilang ang kanyang pamilya, ay nangungupahan lamang at walang sariling bahay na matitirhan.

Photo Credit: blythe/Instagram

“wala din po kasi talaga kaming sariling bahay po. Lagi lang po kaming nagre-rent.”
“Dati pa lang po nung nag-e-extra-extra pa ako, pangarap ko na talaga ang magkabahay.”
Matatandaan na buwan ng Agosto, ng nakaraang taon, ng unang ipasilip ni Andrea sa publiko ang bahay na kanyang ipinapagawa, kung saan ito ay mayroong ilang palapag, dahil sa bawat miyembro ng kanyang pamilya, ay may silid na nakalaan.

Photo Credit: blythe/Instagram

Ilang buwan nga lamang, matapos ang naging unang pagbabahagi ng aktres sa kanyang ipinapatayong bahay, ngayon nga, ay masaya nitong ibinahagi na matapos nga ang ilang buwan na paghihintay, ay natapos na ang bahay na kanyang ipinapagawa, na noon ay isang pangarap lamang niya.

Photo Credit: blythe/Instagram

Nito nga lamang nakaraan, ay ibinagi ni Andrea Brillantes sa kanyang Instagram account, ang larawan ng kanyang bahay, na kung saan, ito ay isang Spanish-Mediterranean style na bahay, na nakukulayan ng dalandan ang kabuuang straktura sa labas, na mas nagbigay pa ng ganda sa labas ng nasabing tahanan ng aktres.

Photo Credit: blythe/Instagram

Kalakip nga ng larawan na ito ng bagong bahay niya, na kanyang ibinahagi, ay ang caption ni Andrea na;

“You were my longest (10 years) and most difficult dream to come true. You have always been at the back of my mind since I was young pushing me to work harder. I’m so happy you made it this year with everything that happened, im soooo happy.”

“To my BRILLIANTS! Thank you for always having my back and supporting me since day 1! I swear I wouldn’t come this far without you all”

“Thank you also to my @headandshouldersph @brilliantskinessentialsmain @carelineph @met-tathione @unisilverjewelry @fresh_philippines @tecnomobileph @ayumi.eyelash @belobeauty @gaodental @ilaw.atbp @starmagicphils @abscbn @becky_aguila @katrina_aguila families for trusting and believing in me [red heart emoji]”




Tila napakaganda nga ng pasok ng taong 2021 sa aktres na si Andrea Brillantes, dahil sa tuloy-tuloy pa rin ang kanyang natatanggap na suporta mula sa mga taong naniwala sa kanyang kakayahan.

Labis nga ang pasasalamat ni Andrea, sa mga taong nagtiwala at sumuporta sa kanya, noong siya’y nagsisimula pa lamang sa showbiz, hanggang ngayon na nagsisimula na siyang magnining bilang isang mahusay at hinahangaang aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *