Andrea Brillantes May Bonggang Paghahanda Sa Kanyang Nalalapit Na Ika-18th Birthday

Si Anndrew Blythe Daguio Gorostiza, o mas kilala natin bilang ang popular na Kapamilya teen star na si Andrea Brillantes ay ipinanganak sa Taytay, Rizal noong ika-12 ng Marso taong 2003. Ang kanyang mga magulang ay sina Byron at Mabel Gorostiza.




Sa murang edad ni Andrea, ay agad niyang nalaman kung anong karera ang nais niya sa kanyang buhay, at ito nga ay ang pagpasok sa mundo ng showbiz na ngayon ay kanya nan gang kinabibilangan.

Photo Credit: blythe/Instagram

Base sa mga naging ulat, 7-taon lamang si Andrea ng pasukin niya ang showbiz. Kung saan, ang kauna-unahan nag show na kanyang kinabibilangan sa telebisyon ay ang children’s comedy gig show na ‘Goin Bulilit”.

Photo Credit: blythe/Instagram

Ang kanyang naging pinakamalaking break naman sa showbiz, ay ng gumanap siya bilang bida-kontrabida sa Kapamilya hit series ng Kapamilya network na “Kadenang Ginto.”
Hindi na maikakaila na ngayon ay isa si Andrea Brillantes, sa mga teen star na patuloy na gumagawa ng pangalan sa showbiz, at tuloy tuloy ang pagniniting ng kanyang karera.

Photo Credit: blythe/Instagram

Samantala, ngayon ngayong darating na ika-12 ng Marso, ay ipagdiriwang na ng teen star ang kanyang ika-18 taong kaarawan, o kung tawagin nga ng marami ay ang “debut” na nagsasabi na siya’y isa ng ganap na dalaga.

Photo Credit: blythe/Instagram

At dahil nga nalalapit na ang “debut” ni Andrea, ay marami sa kanyang mga tagahanga ang talaga namang nag-aabang kung ano ang magiging paghahanda at kaganapan sa espesyal na araw na ito ng teen actress.

Photo Credit: blythe/Instagram

Ilang araw nga lamang bago ang petsa ng kaarawan ni Andrea, ay nagsisimula ng mag bahagi ang teen actress ng kanyang mga bonggang paghahanda para sa kanyang magiging debut.

Photo Credit: blythe/Instagram

At isa na sa mga ito, ay ang pagbabahagi niya sa kanyang Instagram account ng kanyang mga nagagandahang larawan, na ang naging tema nga ay base sa kanyang horoscope na “Pisces.”

Photo Credit: blythe/Instagram

Kalakip ng mga larawan na ito, ay ang naging caption ni Andrea na; “PISCES SEASON Countdown for my 18th birthday begins: N O W.” Maliban nga sa naging caption na ito ni Andrea, ay ibinahagi rin niya kung sino ang mga taong nasa likod ng kanyang mga naggagandahang larawan.

Photo Credit: blythe/Instagram




Makikita nga sa mga larawan ni Andrea na talagang dalagang-dalaga na siya, at mas lalo pa ngang lumutang ang kanyang angking ganda.

Masasabi din natin na talagang pinaghandaan ng teen actress ang kanyang magiging debut, kaya naman ngayon pa lamang ay nagsisimula na siyang mag countdown.
Kaabang-abang naman para sa mga tagahanga ni Andrea kung ano nga ang magiging bonggang kaganapan sa kanyang ika-18th taong kaarawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *