Andrea Brillantes Nakatanggap Ng Bonggang Birthday Surprise Party Mula Sa Kanyang Malalapit Na Kaibigan

Tila hindi pa nga natatapos ang mga sorpresa para sa aktres na si Andrea Brillantes, matapos niyang magdiwang ng kanyang ika-18 taong kaarawan noon lamang buwan ng Marso petsa 12.




Ito ay dahil kahit nga ilang buwan na rin ang nakararaan ng magdiwang siya ng kanyang kaarawan, ay tuloy-tuloy pa rin ang mga bonggang sorpresa at regalo na kanyang natatanggap na talaga namang labis niyang ipinagpapasalamat.

Image Credit via Google

Alam nating lahat na noong ika-18 birthday ni Andrea ay umaaoaw na mga regalo at sorpresa ang kanyang natanggap mula sa mga taong dumalo sa kanyang pagdiriwang at sa mga taong nagmamahal sa kanya na sa kabila ng hindi nakadalo ay nagpaabot pa rin ng pagbati at regalo sa kanya.

Image Credit via Google

Matatandaan nga na maliban sa naging engrandeng pagdiriwang ni Andrea ng kanyang ika-18 taong kaarawan, ay nagkaroon pa siya ng napakaganda at kahanga-kahangang photo shoot na labis na hinahangaan ng marami, lalo pa’t tumingkad talaga ang kanyang kagandahan sa mga magaganda niyang larawan.

Image Credit via Google

Ilang linggo lamang naman matapos ang kanyang naging engrandeng pagdiriwang, ay nag-viral naman ang aktres sa social media. Ito ay matapos siyang sunduin ng sikat at mayamang entrepreneur na si Miss Glenda, ang CEO ng Brilliant soap na ini-endorso ni Andrea.

Image Credit via Google

Sa lumabas na video, ay ipinakita nga ni Andrea, kung paano siyang ipinag-shopping ni Miss Glenda bilang birthday gift nito sa kanya, kung saan ay talaga namang umabot ng mahigit 100k ang lahat ng mga naipamili nito para sa kanya.

Image Credit via Google

At tila nga hindi pa nayatapos ang mga bonggang kaganapan sa ika-18 taong kaarawan ni Adrea, dahil nito nga lamang nakaraan, ay ang malalapit naman niyang mga kaibigan ay may naging engrandeng sorpresa sa kanya, na hindi naman talaga niya inasahan.

Kumalat nga sa social media kamakailan lamang ang mga larawan na nagpapakita ng bonggang surprise birthday party na inihanda ng mga malalapit na kaibigan ni Andrea para sa kanya. Makikita pa nga sa larawan na naroon ang isa sa mga malapit na kaibigan ni Andrea na si Mona, ang kapatid ng sikat na vlogger na si Ivana Alawi.

Ang bonggang sorpresa nga na ito ng mga malalapit na kaibigan ni Andrea para sa kanya, ay naganap sa isang mamahaling resort, ang Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort na matatagpuan sa Bataan.

Kitang-kita naman sa mga larawan na talagang pinaghandaan at plinanong mabuti ng mga kabigan ni Andrea ang sorpresa na ito para sa kanya, kung saan ng ito nga ay kanyang makita ay labis nga ang naging pagkamangha niya at halos hindi makapaniwala na may ganitong pasabog ang mga kaibigan para sa kanya.




Lumutang din ang kagandahan ni Andrea sa surprise birthday party na ito, dahil sa napakaganda niyang suot na red dress. Tunay naman na pinagpala si Andrea, hindi lang sa karera, kundi maging sa kanyang mga kaibigan sa industriya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *