Andrea Brillantes Natupad Ang Pangarap Na Ipatayo Ang Kanyang Sariling Bahay

Bata pa lamang ay pangarap na ng aktres na si Andrea Brillantes, ang magkaroon sila ng sariling bahay ng kanyang pamilya, ito ay dahil saw ala umanong sariling bahay ang kanyang pamilya at lumaki siya na nagre-rent lamang sila ng tirahan.



Matatandaan na sa Youtube channel noon ni Andrea, noong aktibo pa ito ay madalas nitong sabihin ang kanyang mga pangarap, lalo na para sa kanyang pamilya at isa na nga sa mga ito ay ang pangarap niyang makapagpatayo ng bahay para sa kanyang pamilya.
Image Credit via Google
At noon ngang nakaraang taon, buwan ng Setyembre, ayon sa aktres ay nagsimula ng buuin ang kanyang pangarap, dahil sa pagsisimula ng konstruksyon ng kanyang bahay.
Image Credit via Google
Kung atin ngang babalikan ang naging panayam noon ng “Magandang Buhay” host na sina Momshie Jolina (Jolina Magdangal) at Momshie Melai (Melai Cantiveros) noong Disyembre 2010, ay sinabi ni Andrea na ang pangarap niyang bahay, ay halos 9-years in the making.
Image Credit via Google
“Dati pa lang po, nung nag-e-extra-extra pa ako, pangarap ko na talaga ang magkabahay.”
“Wala din po kasi talaga kaming sariling bahay po. Lagi lang po kaming nagre-rent,” ang naging kwento nga noon ni Andrea.
Image Credit via Google
Ayon pa kay Andrea, ang pagiging bida niya sa hit series na “Kadenang Ginto” talaga ang naging daan upang mapasimulan niya ang pagpapatayo ng kanyang pangarap na bahay, dahil dito talaga siya naka-ipon.
Image Credit via Google
“Gusto ko talaga yung subdivision na ito, kaso dati, wala pa akong cha-ching [pera] at wala pa akong show. “So, sabi ko wag na. Pero nung nagkaroon ng Kadenang Ginto, naisip ko, baka naman kaya ko na,” saad ng aktres.
Image Credit via Google
Ibinahagi rin ni Andrea, na upang mas lalong makatipid siya at mas mapunta ang kanyang kinikita sa katuparan ng pangarap niyang bahay ay naninirahan muna sila ng kanyang pamilya sa isang simpleng bahay, na mura lang ang upa.
Image Credit via Google
“Mas cheap siya para mas makapag-ipon ako para sa bahay na pinapagawa ko.”
Sa Gold Squad Youtube channel, kung saan ay kabilang si Andrea, ay madalas na ipinasilip ng aktres ang progress sa pinapagawa niyang bahay, para maging updated ang kanyang mga tagahanga.
Image Credit via Google
Ang bahay ngang ito ng batang aktres ay isang modernong bahay, kung saan ay mayroon itong tatlong palapag at anim na silid tulugan na para sa kanyang mga kapamilya.
Ayon nga kay Andrea, makakasama niya sa bahay niyang ito ang kanyang lola na si Susan Brillantes, ang kanyang ina na si Mabel Gorostiza, at ang kanyang mga kapatid na sina Kayla, Nina at Kismet.
Ibinahagi rin ng batang aktres, na ang ikatlong palapag ng kanyang ginagawa ng bahay, ay nakalaan para sa kanya, kung saan ay dito niya ilalagay ang kanyang silid at walk-in closet.



Ngayon nga ay malapit ng matapos ang bahay na ipinagawa ni Andrea Brillantes, at excited na nga ang batang aktres, na makalipat sila ng kanyang pamilya sa bahay na kanyang pinangarap at pinaghirapan tuparin.
Ano ang masasabi niyo sa kasipagan, at dedikasyon ni Andrea, na mabigyan ng isang maganda at kumportableng bahay ang kanyang pamilya?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *