Ang Bongga Talaga Ng Team Kramer May Sariling Home Theater Para Sa Kanyang Pamilya

Marami sa atin ang naghahangad ng maayos na tirahan at magandang pamumuhay. Isa ang tahanan sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao kasama ang pagkain at kasuotan. Pero hindi lahat sa atin ay may permanenteng tahanan. Ang iba’y nakikitira pa sa mga magulang, nangungupahan, o nag-iipon pa lamang para sa kanilang bubuuhing tahanan.


Image courtesy from facebook account of team kramer




Kaya naman, marami sa atin ginagawa ang lahat para lamang nakapag pundar ng ating sariling tahanan. Tinututukan natin ang paggawa nito mula sa mga pinakamataas hanggang sa pinakamalaking detalye. At kung swak pa naman sa budget natin, nagpadagdag pa tayo ng mga kaunting pakulo.


Image courtesy from facebook account of team kramer

At ito nga ang na-achieve ng pamilya Kramer o mas kilala sa social media bilang “Team Kramer.” Binubuo ang Team Kramer ng mag-asawang Doug at Cheska Kramer kasama ang kanilang mga cute na anak. Sumikat ang kanilang pamilya sa social media dahil sa mga nakakatawa nilang videos tungkol sa kanilang pamilya. At nitong nakaraan nga lamang ay may bago na naman silang update para sa kanilang mga taga-hanga at mga taga-suporta.


Image courtesy from facebook account of team kramer

Matapos kasi ang kanilang paglipat sa kanilang bagong bahay noong nakaraang buwan, binahagi ng Team Kramer sa social media ang bagong bahagi ng kanilang bahay. Nagpagawa pala ang Team Kramer ng kanilang sariling Home Theater sa kanilang bahay. Ang Home Theater ay parang isang sinehan ngunit nasa loob nga lamang ng iyong bahay.


Image courtesy from facebook account of team kramer

Si Doug Kramer ang namahala sa pagdidisenyo ng kanilang home theater dahil ito raw ang isa sa mga paboritong gawain ng kanilang pamilya, ang manood ng mga palabas. Bagama’t may home theater na sila sa dati nilang bahay, mas ligtas at mas moderno ito kaysa nang naroon sa kanilang dating bahay. Tema ng kanilang home theater ang mga kulay na kayumanggi at itim.

Maliban pa rito, kaya raw mas ligtas ang kanilang home theater ay dahil walang mga kableng makikita sa loob ng home theater. Wala na raw ang panganib na makukuryente ang kahit na sino man dahil naka-organize ang mga wirings nito.
“You won’t see any equipment in the theater, it’s all in a control room. Everything is controlled via automation. Free from visible wires, equipment. Just the visibility of the speakers, screen, and the wood.”

Talaga namang mage-enjoy ang Team Kramer dahil ang kanilang home theater ay mayroong 180-inch wide screen Sony Laser 4K Native Projector. Maliban pa rito, napapalibutan ang home theater ng 11 na mga surround speaker, dalawang subwoofers at apat na Atmos speakers na matatagpuan sa kisame nito. Hindi ba napaka-cool kung mayroon tayo nito sa ating bahay?




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *