Si Andi Eigenman o sa tunay na buhay ay si Andrea Nicole Guck Eigenman ay isang kilalang aktres, endorser at social media personality sa ating bansa [Pilipinas]. Noong siya ay aktibo pa sa mundo ng showbiz ay marami siyang mga proyektong nagawa sa ilalim ng Viva Artists Agency.
Ang kanyang angking husay sa pag-arte mapa-drama man o kontrabida ang kanyang karakter ay talaga namang hinahangaan. At hindi naman na kataka-taka, dahil nasa dugo niya ang pagiging isang mahusay na artista. Siya lang naman kasi ang nag-iisang anak ng award-winning actress na si Jaclyn Jose sa yuma0 ng aktor noong taong 2014 na si Mark Gil.

Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na marami sa mga kapamilya ni Andi ang mga kilalang personalidad din sa showbiz. Kagaya na lamang ng kanyang uncle at auntie na sina Michael de Mesa at Cherie Gil, na mga kapatid nga ng kanyang ama. Maging ang mga kapatid niya sa kanyang ama, na sina Ryan Eigenman at Geoff Eigenman ay mga kilala at sikat na aktor rin.

Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na biglang nag-iisang anak ng mga populat at sikat na artista ay talagang lumaki si Andi na may magarbong buhay, idagdag pa na siya’y isa ring aktres.

Ngunit sa kabila nga ng kaginhawaan ng buhay ng kanyang tinatamasa bilang isang “showbiz royalty”, ngayon ay mas pinili niya ang magkaroon ng simpleng buhay, sa piling ng pamilyang kanyang binuo sa isla ng Siargao.

Sa ngayon nga ay mayroon ng sariling pamilya si Andi Eigenman, na para nga sa kanya ay “extraordinary.” Siya ay mayroon ng dalawang anak, ang panganay niya na si Ellie, na ang ama ay ang dati niyang kasintahan na si Jake Ejercito at ang pangalawa niya namang anak ay si Lilo, na anak niya sa kanyang fiancée ngayon na si Philmar Alipayo.
Ayon sa mga ulat, si Philmar ay mayroon na ring dalawang anak sa dati nitong karelasyon, ito nga ay si Toro na nasa pag-aaruga niya at kasama niya sa Siargao, at ang sa ay si Kanoa na nasa pag-aaruga naman ng ina nito na nasa bansang France.
Matatandaan na naman na bago pa man nakilala ni Andi si Philmar, ay aktibo pa ang aktres sa mundo ng showbiz. At ng ito nga ay humingi ng “break” dahil sa mga intriga na kanyang kinaharap noon patungkol sa ama ng kanyang anak na si Ellie, ay pinili niya na mamasyal sa iba’t ibang mga magagandang lugar sa bansa para makapag-relaks.
Taong 2017 ng magdesisyon si Andi Eigenman na mamuhay ng simple malapit sa karagatan, at ang kauna-unahan ngang lugar kung saan siya nag ‘settle’ ay sa Baler, kung saan dito na nga niya nakilala ang partner niya ngayon na si Philmar. Si Philmar ay isa sa mga “top surfing champions” sa ating bansa, at si Andi ay isa nga sa kanyang mga tagahanga. At kanilang pagmamahalan ay nagsimula sa pagkakaibigan, hanggang sa magkahulugan na nga sila ng loob.
Ngayon nga ay masayang namumuhay si Andi Eigenman sa Siargao, kung saan itinatayo nila ang tahanan nila ni Philmar kasama ang kanilang mga anak. Sina Andi at Philmar ay na-engaged noong buwan ng Disyembre taong 2020, at dalawa na rin ang kanilang anak. Dahil kamakailan lamang ay isinilang ni Andi ang ikalawa niyang anak kay Philmar, at ito nga ay si baby Koa.