Ang Galing Kahit Walang Mga Kamay Nakagawa Siya Ng Mga Miniature Na Tricycle

Marami sa atin ang nagrereklamo sa mga mumunting hirap natin sa buhay. Lingid sa ating kaalaman, marami palang mga taong may dinadanas na mas mahirap kaysa sa atin. Lalo nasa panahon ngayon na uso na ang mga makabagong gadgets at teknolohiya, tila ba’y naging lampa na tayo sa sobrang pagka-depende natin sa mga ito.




Marami rin sa atin ang hindi makuntento sa kung anong meron tayo ngayon at marami pa nga ang nagpa opera ng kanilang mga katawan upang maging kaaya-aya lamang tingnan sa mata ng ibang tao. Pero may mga taong ang tanging hangad lamang ay magkaroon ng kumpletong parte ng katawan. Bagama’t hindi kumpleto ang kanyang katawan, hindi niya ito hinayaang maging hadlang upang maipamalas niya ang kanyang talento. Isa ang lalaking ito na nagpapatunay dito na nagmula pa sa Dumaguete City.

Nag Trending ang lalaking ito na walang mga kamay dahil sa kanyang mga obrang miniatures ng mga pampublikong mga sasakyan katulad ng mga tricycle at mga truck. Natuto raw ang lalaking ito mula sa may-ari ng Ct Limit Digital Electronic Service Center na kanyang pinagtatrabahuhan. Maliit man ang kanyang mga gawa, detalyado naman ito.
Sa mga nagnanais na bumili ng kanyang mga gawa, maaari kayong pumunta sa Art Workshop of Susan Canoy sa ikalawang Palapag ng Robinson’s Place Dumaguete. Mabibili ang kanyang mga gawa sa halagang P500 at P1800.

Isa lamang itong patunay na hindi dapat nating gawing rason ang kapansanan upang hindi magtagumpay sa buhay. Bagkus, gawin natin itong inspirasyon upang mas lalong magpursige at maipamalas ang ating mga talento sa iba’t-ibang larangan. Nawa’y maging inspirasyon ang lalaking ito sa lahat ng mga taong may kapansanan upang hindi sila mawalan ng pag-asang mabuhay at mabuhay ng masaya katulad ng isang taong may kumpletong parte ng katawan.

Maging aral rin sana ito para sa mga taong hindi marunong makuntento sa buhay. May mga taong hindi kumpleto ang parte ng katawan samantalang ang iba ay mahilig magreklamo dahil lamang sa mumunting abala.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *