Hindi nga naman lahat ng kabataan ay nakakapag-aral o di kaya naman ay nakapagtatapos ng kanilang pag-aaral, kung saan ito nga ay isa sa mga suliranin ng ating lipunan mula pa noon hanggang ngayon. At isa nga sa pangunahing dahilan nito ay ang kahirapan, kaya naman sa murang edad ng maraming mga kabataan ay maaga silang sinusubok na makaranas magbanat ng buto na dahilan upang ang iba sa kanila ay hanggang elementarya o sekondarya lamang natatapos na edukasyon.
Samantala, hind inga naman lahat ng kabaatan ay ginagawang dahilan ang kahirapan kaya sila’y hindi nakakapagtapos ng pag-aaral, dahil mayroon ring mga kabataan na sa kabila ng hira ng buhay ay pinagsumikapan pa rin na makuha ang diplomang pinapangarap nila.
Kagaya na nga lamang nito ay ang kuwento ng buhay ng isang guro na puno ng inspirasyon.

Ito ay dahil sa talaga namang nakakaantig ng damdamin ang kanyang buhay, kung saan ay sa kabila ng napakaraming hirap na kanyang naranasan ay hindi siya sumuko na abutin ang kanyang pangarap na ngayon nga ay nakamit na niya.

Kinilala ang gurong ito na si Arlne E. Alex, kung saan ay ikinuwento nga niya, na noon ay naranasan niya na maging pulubi noon, para lamang may maiabot siya sa kanyang mga magulang. Dagdag pa niya, naranasan din niya ang maging isang batang-pier, na ang gawain nga ay sumisid sa dagat sa may pier habang naghahagis ang mga pasahero ng barko ng barya at ito nga ang kanilang kinukuha at sinisisid.

Ayon nga kay Arlene ang sobrang kahirapan na ito na kanyang naranasan ang kanyang ginawang inspirasyon upang mag-aral ng mabuti at magpursige sa buhay, upang maiahon niya ang kanyang sarili at ang pamilya niya sa kahirapan.Hindi naman nabigo si Arlene na tuparin ang pangarap niyang tagumpay sa buhay. Dahil sa kanyang edad ngayon na 22-anyos ay nakapagtapos na siya sa kolehiyo at isa nan gang guro. Isa na rin siyang Master’s Degree holder ngayon.

Sa ngayon nga ay nagbibigay serbisyo si Arlene sa mga kabataan na tulad niya noon ay nangangarap na makapagtapos sa pag-aaral. Ang tinuturuan niya ngayon ay mga batang nag-aaral sa IPED, at maliban pa dito ay nagtuturo din siya minsan sa ibang mga badjao na kabataan.
Ibinahagi ni Arlene ang kanyang graduation picture sa social media, at kalakip nito ay ang isang payo niya para sa mga indibdwal na patuloy na nagsusumikap sa buhay upang matupad ang kanilang pangarap. “Piliin mong magpatuloy kahit pakiramdam mo ay hindi mon a kaya, makikita mo ang tamis ng paghihirap sa tamang kapanahunan.”
Dahil sa dedikasyon na narating ni Arlene sa kanyang buhay ay ginawaran siya ng parangal na “3 rd Natatanging Batangueno 202”ng Rotary Club Batangas, dahil sa ginawa niyang paglilingkod sa kanyang mga kababayang Batangeno. Patunay nga lamang ang kuwento ng tagumpay na ito ni Arlene basta may sipag, tiyaga at diskarte sa buhay, anuman ang pagnanais mo sa iyong buhay ay maari mong makamtan.